Kimberly’s POV “SUSAN!” Saway ko dito. “Oh, you should listen to you among hilaw! Feeling entitled” Ngumisi pa siya sa akin. “Itong hand na ito madam Sanvi ang naghahanda ng pagkain mo. Mag ingat ka baka bumula yang bibig ko dahil sa lason at mikrobyo!” Nanlaki ang mga mata ni Sanvi at padabog na umalis. Napailing na lang ako nang nag apir pa sina Susan at April. “Hoy kayong dalawa ha! Kapag iyon nagsumbong kay Madam Catalina lagot kayo!” Pananakot ko sa kanilang dalawa. Kibit balikat lang ang ginawa nila at bumalik na sa kanilang ginagawa. Natapos na namin lahat nang gagawin sa kusina. Naihanda na rin ang mesa para sa tanghalian nina Sanvi at Madam Catalina. Nag squeeze na ako ng fresh apple, naghanda rin ako ng slice fruits platter, table napkin at iba pa kailangan. Ang lakas

