"Putres ka Sam!" Nangingitngit na sabi ni Elmo sa kaibigan. Lumabas siya saglit sa kusina at pinagpatuloy muna ni Julie ang pagluluto ng breakfast. "Aba kasalanan ko ba na sabik ja sa girlfriend mo at nakalimutan mo na dito din ako natulog?" Sambit ni Sam. Elmo gritted his teeth. Oo nga, nakalimutan niya na nandoon si Sam. Eh paano, nawala lahat ng iniisip niya ng makita si Julie na nakatayo doon sa kusina. God she looked delicious... "Sinong delicious?" Napatingin si Elmo kay Sam at nakitang nakangiti ito sa kanya. "You're thinking out loud pare..." Sabi ni Sam. "Tantz! Luto na breakfast!" Biglang tawag naman ni Julie mula sa kusina. Naglakad naman pabalik si Sam at Elmo at nakitang may nakaready ng pagkain para sa kanilang lahat. Grilled cheese, pancakes, bacon, eggs at champora

