Emergency Part 2

2490 Words
Binilisan ni Elmo ang pag drive. Ayaw niya yung pagiging frantic ni Julie sa telepono, pati siya natataranta. In no time umabot siya sa may JAM records, halos hindi pa niya na hihinto ang kotse sa harap ni Julie ng buksan ng magandang dilag ang pinto sa may passenger side. "Elmo, deretso tayo sa St. Joseph's University." Julie said shakily ng makaupo na siya. Tumango naman si Elmo at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Buti alam niya ang school, sikat ito sa may Taguig area eh. Busy sa pagtext si Julie habang patuloy na nagd-drive si Elmo at ng tumigil ito, tiningnan siya ng binata. "Tantz, what happened?" Huminga muna ng malalim si Julie bago sumagot. "Nasa school clinic ngayon yung sister ko, si Ashley. Napaaway daw." Halatang kabado ito dahil medyo nanginginig pa ang kamay kaya naman kaagad na hinawakan ito ni Elmo habang ang kabila ay nasa manibela pa din. Then he comfortingly squeezed her hands. Nginitian naman siya ni Julie. Mabuti at hindi ganoon ka traffic, it only took them 20 minutes hangga't sa maabot nila ang grounds ng SJU. Deredertso si Julie sa gaurd, nagpakita sila pareho ni Elmo ng ID bago sila bigyan ng gaurd ng visitor's pass. At nagmamadali na pumunta ng clinic si Julie, muhkang alam na alam niya ang daanan kaya pusta ni Elmo na dito nagaral ng high school si Julie. Nakasunod lang si Elmo habang pabilis ng pabilis ang lakad ng kababata. It didn't go unnoticed by him na pinagtitingnan din sila ng mga estudyanteng nadadaanan nila. Siyempre hindi sila naka-uniform at bago ang muhka nila. "Bakla, ang gwapo nung papa!" "Oo, kaso sayang kasama ata syota..." "Ingay niyo, saka pake ko sa lalaki; tingnan niyo yung babae! Deyum!" "Oo pare! Dyosa, ang sexy!" Hindi na masyado pinansin ni Elmo ang mga sinasabi ng mga estudyante, baka maiwanan kasi siya ni Julie kapag binagalan niya lakad niya. Finally kumanan si Julie at may pinasukan na kwartong maaliwalas. "Nurse, si Ashley San Jose po?" tanong niya sa nurse pagpasok na pagpasok. Tiningnan muna siya ng babae na muhkang ka-age lang din nila. "Sino po sila?" Ay oo nga Julie, sana nagpakilala ka muna. "Uhm, sorry, I'm Julie Anne San Jose, ate niya." Tumango naman ang nurse. "Dito po..." Saglit munang tiningnan ni Julie si Elmo para bang humihingi ng tulong. Maikling ngumiti si Elmo at hinawakan ang kamay ni Julie bago sila sabay na sinundan ang nurse sa isang kwarto. "Ate!" Bumungad kay Julie si Bianca na tumayo mula sa isang upuan at yinakapa siya. "Binx..." Mahinang sagot ni Julie. Binalik niya ang yakap ni Bianca habang bumibitaw kay Elmo bago sabay sila dumeretso sa kama na nasa gilid ng kwarto. "Ate..." Mahinang sabi ng dalagita na nakahiga sa kama. "Ashley." Julie approached the girl lying on the bed before enveloping her in a hug. Pinagmasdan niya ang kapatid at nakitang may patch ito sa noo at may pasa sa kanang muhka. "Ano nangyari sa'yo baby?" Mahinang ngumiti naman si Ashley. "Eh kasi--" "Asan si Ash!?" Napatigil lahat ng tao sa loob ng clinic ng may pumasok na lalaki, kasing age din ni Bianca at Ashley. Lumapit ito sa kama ni Ashley at hinawakan ang kamay ng huli. "Babe, okay ka lang? Grabe di ko akalain magagawa ni Chloe yun. Bakit ka naman pumatol?" "Ahem." Julie cleared  her throat at hindi matiis na mag cross arms. Sino ba itong batang ito? Namula naman kaagad ang muhka ni Ashley at napa upo sa kama. "Uhm, ate, boyfriend ko , si Ruru." Feeling ni Julie hihimatayin siya. May boyfriend na ang baby sister niya! "B-boyfriend? May boyfriend ka na??" Nagkatinginan muna si Ruru at Ashley bago mahinang ngumiti si Ruru at tumingin kay Julie. "Uhm, Ms. San Jose, good morning po, Ruru Madrid po." "Good morning." Matigas na sabi ni Julie. Oo aminado siya, strikto siyang ate. Humarap naman siya ulit kay Ashley. "Bago kita interviewhin tungkol sa boyfriend mo, ano ba muna nangyari?" Bigla naman sumingit ang nurse. "Ma'am, apparently nagsampalan po sila ni Ms. Chloe Jimenez at tumama po si Ms. San Jose sa pinto ng isang locker." Napatingin si Julie sa kapatid. "Sampalan?" Napayuko si Ashley at mahinang bumuntong hininga. "Ang rami niya kasi sinasabi sa amin ni Binx ate, inagaw ko daw sa kanya si Ruru, kagaya daw ng pagagaw ni Mom kay Tita Marie." Umakyat ang dugo sa ulo ni Julie at di niya alam kung nahihilo siya o gusto lang niyang sumigaw. Huminga siya ng malalaim para ma-control ang nararamdaman ng hinawakan ni Elmo ang kamay niya. Napatingin siya sa gwapong binata at nagpapasalamat na ngumiti at gumanti sa paghawak ng kamay. Humarap ulit siya kay Ashley tapos sinenyasan si Bianca na lumapit din. Ng makalapit ang bunso nila, yinakap niya ang dalawang kapatid at bumulong sa kanila. "Wag na wag niyo pakikinggan ang mga pinagsasabi ng tao. Magkakapatid tayo, yun ang totoo at hindi inagaw ni Tita Raquel si Papa." Lumayo siya ng kaunti at mahinang ngumiti kay Ashley at Bianca. Pagkatapos naman ay hinarap niya ulit ang nurse. "Asan po yung Chloe?" Tanong niya. "Nasa guidance office po." Sagot naman ng nurse. Napailing na lang si Julie at tumayo mula sa kama. Hinarap niya si Ruru. "Ruru right?" Napalunok naman si Ruru, takot lang niya sa nakataas na kilay ni Julie. "Opo." "Pinagawayan ka ng kapatid ko at ng Chloe na iyon, please lang. Ayoko masasaktan ang baby sister ko ulit, can I trust you to take care of her?" Mabilis na tumango si Ruru. "Opo." "Good." Hinarap naman ni Julie ang dalawang kapatid pero nakitang nakatingin si Ashley kay Elmo na tahimik lang na nakatayo sa tabi niya. Oo nga pala, si Bianca kilala na si Elmo pero si Ashley hindi pa. "Uhm Ash, si Elmo Magalona, kababata ko, and Elmo, please meet Ashley, my sister." Biglang nakakalokong tumingin sa kanya si Ashley. "Kababata mo lang ba talaga ate? Sure ka." "Hindi sinasabi ni ate lahat." Biglang sabi ni Bianca. "Manliligaw na niya yan eh." "Bianca..." "O bakit totoo naman diba kuya Elmo?" Biglang harap ni Bianca sa kuya niya. Elmo smirked at tumingin kay Julie. "Oo naman." Sinubukang itago ni Julie ang blush niya kaso wala eh, ang putla kaya niya, halata kaagad kapag mamumula siya. Mahinang hinampas na lang niya ang braso ni Elmo. Kinausap din ni Julie ang guidance counselor, wala siyang magagawa at madadaplisan ang record ni Ashley dahil pumatol din ito kay Chloe. Pagkatapos non napagdesisyunan na rin nila na sa canteen ng SJU sila kakain. Nakaupos si Ruru, Ashley at Bianca sa isang table habang sinamahan ni Elmo si Julie bumili sa isang stall. "... at saka po yung beef steak po ate saka mixed vegetables." Huling order ni Julie sabay abot ng bayad. Pero hindi pa kinuha ang bayad, tiningnan muna siya. Medyo na-aawkward na tiningnan ni Julie si Elmo who only shrugged. "Iha, alumni ka ba dito?" Biglang tanong ng tindera. Natigilan saglit si Julie pero ngumiti din. Kaya naman pala. "Ah opo, dito po ako nag-graduate ng high school." "Nako sabi ko na nga ba!" Masayang sabi ng tindera. "Ikaw yung Julie Anne San Jose tama ba? Napakagaling mo kumanta at diba student council president ka noon?" "Ah opo, salamat po. Nakilala pa po niyo pala ako." "Nako paano naman kita hindi makikilala, eh sikat na sikat ka noon, nobyo mo na ba ito iha? Aba'y gwapo ah, bagay na bagay kayo, ang gandang dilag mo pa man din." Ayan nanaman yung pamumula ng tenga ni Julie. Bakit ba lagi na lang napagkakamalang boyfriend niya si Elmo? Paano Julie lagi kayo magkasama... Magsasalita pa sana siya ng maunahan siya ni Elmo. "Salamat po manang, paano po, mauna na po kami..." Ngumiti ito at saka kinuha ang mga nakaplastik na pagkain bago nag-abot ng bayad. Saka naman niya hinawakan ang kamay ni Julie at naglakad palayo. Doon lang nawari ni Julie... "Ikaw nanaman nagbayad!" Mahinang sigaw niya. Napangiti naman si Elmo dahil nakasimangot nanaman ito si Julie. Ang cute niya talaga. "Eh kasi ang tagal kunin ni manang yung bayad, kanina pa kaya ako nagugutom, sikat ka pala dito ah." Nanahimik saglit si Julie at napabulong. "Hindi no, naniwala ka naman kay manang, student council president lang talaga ako." "Sus, pahumble pa ito..." sagot naman ni Elmo. Bago pa makasagot si Julie, nakarating na sila sa inuupuan nila Ashley. "Okay ka na ba baby?" Tanong ni Julie habang hinahaplos ang muhka ni Ashley. Wala ang dad nila at ang tita Raquel niya, parehong may business trip kaya naman siya ang nandito ngayon pero kahit ba nandyan ang parents ng bata, pupuntahan niya pa rin ito. Hindi naging hadlang sa kanila na hindi maging close kahit ba magkaiba sila ng ina, hindi lumaki si Julie na may galit kay tita Raquel niya. "Ate naman eh, 15 na ako." Kunwaring nakasimangot ni Ashley pero natawa lang si Julie at yinakap ito. "Ano ka ba Ash, kahit maging 30 ka na, at 29 pa ito si Bianca, babies ko pa rin kayo." Natawa naman ang dalawang nakababatang San Jose. A few moments passed na nagsasaya lang sila ng sumeryoso si Julie. "Pero girls, wag kayo papatol ha? Bahala sila. They believe what they want to believe and we do the same." Marahang sagot ni Julie at hinawakan ang tig-isang kamay ng mga kapatid niya. "Basta ang importante, you two got each other's backs, walang iwanan ang mga San Jose alright?" Parehong ngumiti si Ashely at si Bianca tapos tumingin naman si Julie kay Ruru. "At ikaw..." "Po?" Kinakabahan nanaman si Ruru. "Malaman ko na saktan mo kapatid ko..." Well, hindi pisikal na tao si Julie. "...Ipapabugbog kita kay Elmo." Napatingin naman si Elmo sa liniligawan. "Ako?" "Teka ate, kelan ba namin magiging kuya in law si kuya Elmo?" Biglang tanong ni Bianca. "Oo nga Julie, kelan ba?" Mahinang tanong ni Elmo kay Julie, a certain glint ready in his eyes. Julie smirked at kunwaring inilayo ang muhka ni Elmo sa kanya, medyo hindi kasi siya makahinga kapag ganun siya titigan ni Elmo. "Tigil tigilan mo nga ako Elmo Magalona at kumain ka na diyan." =o=o=o=o=o=o=o= "Ma, nakatulog na dyan sila Ashley sa bahay ah, binilin ko na kayla manang..." "Sige anak, salamat, buti talaga nandyan ka..." "Of course ma, I'm sorry I couldn't stay, maaga pa kasi sched ko bukas..." "I understand Julie Anne, take a rest na and thank Elmo for me, buti na lang nandyan siya at may naghatid sa'yo." "Okay Ma, bye, love you..." "Love you too anak..." CLICK Pagod na napaupo si Julie sa may sofa. Kakahatid lang nila sa dalawa niyang kapatid sa bahay nila sa QC. Doon na din matutulog si Ashley kayla Bianca tutal wala naman ito kasama sa bahay. "Inom ka muna ng juice o, pagod na pagod ka na eh." Sakto namang pasok ni Elmo sa may living room at naglapag ng orange juice sa harap ni Julie. Pareho na rin silang nakabihis pang tulog dahil na rin sa pagod. Nginitian naman ito ng huli. "Thanks Elmo, salamat sa paghatid sa akin sa SJU." "Of course, it was an emergency for your sisters." Ngiti ni Elmo. Napailing si Julie. Sobrang thankful lang talaga niya na nandyan kaagad si Elmo para sa kanya. "Haay, palaban din kasi yung dalawang iyon."   Elmo smirked slightly before sitting beside Julie. "Baka naman sa ate..." "Oi, never ako nakipagsampalan ah..." Depensa ni Julie na ikinatawa naman ni Elmo. "Tawa ka dyan?" "Eh kasi halatang good girl na good girl ka nung high school ka eh." "Sa harap lang ng teachers no." Natatawang sagot din ni Julie. Pareho lang silang napailing at tumawa bago uminom si Julie sa timplang juice ni Elmo para sa kanya. Mamaya tumayo siya at dumeretso sa TV ni Elmo. "May mapapanuod  ba dito? Nuod naman tayo ng sine, sayang itong TV mo." Nagkibit balikat naman si Elmo ng tingnan siya ni Julie bago bumalik ang huli sa pghahanap. "Eh, diba ikaw nakatira ngayon dito?" Pang-aasar ni Elmo. Julie rolled her eyes kahit hindi kita ng lalaki dahil nga naka talikod siya. As if naman may time siya makabili ng mga DVD. Yung ibang nadala lang niya galing ng New York saka na din yung mga ninakaw niya sa condo ni Maqui ang nandoon. Tumigil siya ng may makita siyang isang palabas. "Ay ito na lang!" Pinakita niya muna kay Elmo yung harap ng case bago walang sabi-sabi na sinalpak ang CD sa loob ng DVD at binuksan ito't ang TV. Kaagad naman siya tumabi kay Elmo sa sofa na pinull out ng huli para mas malawak at maging bed. "Ano ulit yan? Abduction?" tanong ni Elmo bago harapin siya. "Baka naman papanuorin natin yan kasi crush mo si Taylor Lautner?" "Oi hindi ah, maganda din naman ito!" Pag-depensa ni Julie. "Ma-action din, saka di ko crush si Taylor Lautner no, hindi nga ganoon ka-gwapo eh.... pero maganda abs." Nakangising sagot ni Julie. Marahang napataw si Elmo. Girls. "Tititngin ka pa ng abs edi tingnan mo na lang yung sa akin." "Talaga? Ipapakita mo?" Panloloko ni Julie at akmang lalapit kay Elmo kung saan hindi naman bumawi ang huli. May humihila, palapit ng palapit, ramdam na ni Elmo ang mabangong hininga ni Julie at napapatingin na rin siya sa nakakaakit na mga labi nito ng natatawang lumayo si Julie. "You should've seen your face!" Pagtawa ni Julie. Sa una'y tulala lang si Elmo pero nagsmirk na din ito at napailing habang tumatawa si Julie. "Manuod na nga tayo! Namimiss mo na yang abs ni Taylor!" "Haha! Joke lang Tantz, ito naman eh di mabiro." Sabi ni Julie, hinahabol pa rin ng tawa niya. "Pahiga na lang." Paglambing ni Julie dahil first time niya nakikitang mag-pout si Elmo. Ginamit niyang unan ang balikat nito na kina-enjoy naman ni Elmo. Tuloy pa rin sila sa pagnuod at halos hindi na makahinga si Elmo dahil ayaw niyang nagagambala si Julie. Hindi pa gumigitna ang palabas. "Kung si Taylor habol mo, ako si Lily Collins." Nakangising sabi ni Elmo. Naghintay siya ng react galing kay Julie pero walang imik ang katabi niya. Napasilip siya at nakitang K.O. na nga ito. Marahan siyang natawa. Tutulog ka na nga lang muhka ka pa ring Dyosa? Sinubukan niya gumalaw pero muhkang onting hinga lang niya magigising na ito. Napagod ka rin talaga kanina. Napatingin siya sa paligid. Sofa bed naman ito diba? At saka may pillows naman sa paligid. Lord ngayon lang po, wala naman po ako gagawing masama eh. Inabot niya ang remote na nasa may lap ni Julie bago pinatay ang player at ang TV bago dahan dahang hiniga ang dalaga na ngayon ay kumakapit sa kanya na parang koala bear. Hindi niya maiwasang hindi ngumiti. Inayos na din niya ang mga unan sa paligid at humiga, his arms wrapping around Julie before kissing her forehead. "Goodnight Tantz."            ============================================== AN: Hello friends! :D Kamusta yung chap? Comment or Vote please! Thank you po sa mga nagbabasa! XD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD