"Kamusta naman yung salisbury steak Jules?"
"Masarap naman ate..."
"Talaga?" Nakakalokong ngiti ni Saab. "Eh hindi ka pa nga tumitikim."
Julie snapped back to reality ng marealize na tama nga si Ate Saab. Kumakain sila ngayon sa isang maliit na restaurant malapit lang sa JAM records building.
Si Maqui naman eh tawang tawa sa gilid habang ineenjoy ang kanyang club house sandwhich.
Maliit na napasimangot si Julie. She huffed. "Nakakainis kasi yung dalawang yon!" Sabi niya. Hindi siya tinitigilan nila Elmo at Alden kanina. Kaya ayan, wala siya pinili at pinagbawalan din niya ang dalawang iyon na sumunod o sumama kung saan sila nila Ate Saab kakain.
"Julie masakit ba?" Biglang tanong ni Maqui.
Napatingin naman si Julie sa best friend niya, nakakunot ang noo. "Masakit ang alin?"
"Naaapakan ko kasi ata buhok mo, sobrang haba na eh."
Mahinang binato ni Julie ng tissue si Maqui. "Tigil tigilan mo ako Farr."
Pero wala, tawa pa rin ng tawa si Maqui at si Saab. Maya maya naman ay nagsalita ang mangaawit.
"Lam mo Jules, siyempre naman boto ako kay Elmo, I mean, may ginagawa na nga kayo milagro--"
"Ate wala kami ginawa ni Elmo okay." Mabilis na sagot ni Julie. Mahina ba aircon sa restaurant? Parang ang init bigla. Ay hindi, umaakyat lang pala lahat ng dugo sa muhka niya.
"Haha. Biro lang Jules." Pagaalo ni Saab at pinisil pisil pa ang kamay ni Julie. "As I was saying, siyempre boto ako sa kapatid ko kaya team Elmo ako."
"Wala naman talaga dapat competition eh." Julie sighed.
"Grabe Jules, parang ang sarap ng problema mo." Nakangiting sabi ni Maqui. "Paano ba naman, dalawang gwapong lalaki ang naglalaban para sa atensyon mo."
"Ah ewan, kain na nga lang tayo." Sabi ni Julie.
===============
Lumabas na si Julie at yung dalawa sa restaurant. Dahil medyo mahangin, tumigil sila saglit sa harap ng may dalawang bagyo na sumalubong sa kanila.
"Jules! Hindi ata kayo nag dessert ito ice cream!" Sabi ni Alden habang binibigay kay Julie ang isang maliit na container ng ice cream.
"Wag yan Tantz, diba sisipunin ka kapag kumain ka niyan, ito o, belgian waffle." Ngiti naman ni Elmo.
"Teka teka stop!" Julie exclaimed. Napatigil naman sa kakaratsada si Alden at Elmo. Mataray na napataas ang kilay ni Julie ng sabay mapangiti ai Alden at si Elmo.
"O ano nginingiti nyo dyan?"
"Ang ganda mo kapag nagtataray eh." sabay na sabay na pagsabi ng dalawa.
At sa likod naman ay walang tigil ang paghahikhik ni Maqui habang napapailing na natatawa si Saab.
"Ugh!" Hinarap ni Julie si Alden, a scowl still on her face. "Magtatrabaho tayo ngayon okay? Tatapusin natin yung album nila ate Saab."
Then humarap siya kay Elmo. "At ikaw, kapag naburo ka sa pagpanuod sa amin mamaya bahala ka..." Nagsimula na maglakad palayo si Julie habang nakasunod si Saab at Maqui na parehong natatawa.
Hangga't sa makaabot sila sa JAM records building ay tahimik lang si Julie. Kung cartoon lang ang lahat kanina pa nakikita yung usok na umuusbong sa may bumbunan niya. At dahil sa kilala ni Maqui ang best friend niya, hinayaan muna niya si Julie.
Pagpasok na pagpasok sa booth, kaagad umakto si Julie at walang sabi sabi na sinimulan ang pagaayos ng mga kanta.
The whole session, nanahimik lang si Elmo sa gilid at puro tungkol sa pagtatrabaho ang pagkakausap ni Alden kay Julie. Halatang parehong natakot.
Sa wakas natapos din naman nila ang pag record at inabot sila ng alas siyete na ng gabi. Mabait si Julie pero may pagkaperfectionist kaya nakakailang ulit sila dahil maya't maya ay may pinupuna ito.
Habang nagpapack up, linapitan ni Maq at Saab ang kaibigan.
"Kamusta Rapunzel?"
"Haha." Sagot ni Julie sa kaibigan.
"Kausapin mo naman yung dalawang manliligaw mo, parehong namumutla eh." Natatawang sabi ni Saab.
Julie clicked her tongue. Ayaw niya kasi talaga isipin na manliligaw niya itong dalawang ito. Hindi ba pwede they just get along?
Sakto naman na nasa likod lang ang dalawa kaya hinarap niya sila, not caring na maririnig ni Derrick, Maqui and Saab ang lahat.
"Guys..."
At parang mga sundalo, napatingin si Elmo at Alden sa kanya.
"I'm sorry I yelled at you." Pasimula ni Julie and then she sighed. "Pero please, I'm not used to being smothered kaya stop with all this please?"
Nagkatinginan si Elmo at Alden. Then they turned back to Julie.
"Alright."
===============
"Good morning!"
Ayun ang bumungad kay Julie pagkagising niya kinabukasan. Ayun at isang Elmo Magalona na walang pantaas at naka basketball shorts lang habang nagluluto.
Shocks yummy.
"Uh, good morning." Bati din ni Julie bago dumeretso sa coffee maker. As much as possible gusto niya nakatalikod kay Elmo dahil baka hindi pa siya kumakain ay mabusog na siya.
"Gusto mo rin ba ng bacon?"
"Ay!" Muntik na mabitawan ni Julie yung coffee pot. Kelangan talaga sa may tenga niya banda magsalita? Nangilabot buong katawan niya ng maramdaman ang hininga ni Elmo sa kanyang right ear.
Humarap naman siya dito at nalaman na hindi pa rin pala ito lumayo.
"Hehe. Sorry, pero gusto mo nga ng bacon?" Nakangiting sabi ni Elmo.
"Ah sure." Sagot ni Julie tapos humarap ulit siya kay Elmo. "Coffee black ka diba?"
"You know me well..." Kumindat pa ito bago bumalik sa pagluluto.
Julie shook her head. May sapi nanaman kasi itong penthouse mate niya eh.
Tahimik silang kumakain at talaga namang naeenjoy ni Julie ang linuto ni Elmo.
"Masarap ka talaga magluto no?"
"Well, diyan na lang ako magiging proud eh." Ngiti sa kanya ni Elmo.
Julie scoffed. "Yeah because you're not a hot, 20 year old who is the COO of a large real estate business."
Lumawak naman ang ngiti ni Elmo. "So you think I'm hot?"
Kulang na lang lumuwa ang mata ni Julie. Haay word vomit nanaman siya. "Kumain ka na lang diyan..." Nagiwas siya ng tingin at pinatiloy ang pagkain. Nakita naman niyang marahang tumawa lang si Elmo bago nito lantakan ang bacon.
Papaubos pa lang si Julie ng pagkain ng maramdaman niya ang kabigatan ng pagtingin ni Elmo. Binabasa niya ang dyaryo para sa umagang iyon at hindi pa rin inaangat ang tingin ng sabihin; "Elmo stop staring at me, baka matunaw ako." Doon na siya nagangat ng tingin at nginitian naman siya ng lalaki.
"Sabi nila start your day with a smile eh sa napapangiti ako kapag tinititigan kita eh."
Sh*t naman, kilig overload?
"Tantz hindi ko linagyan ng droga yang kape mo kaya tigil tigilan mo ako." Tumayo na si Julie para maligo habang naririnig na tumatawa si Elmo.
Ewan ba niya. Nagiging extra sweet ito ngayon at lalaong dumadaldal. Dati walang makakausap dito eh pero ngayon kung ano ano lumalabas sa bibig eh.
===============
"O hindi mo ata kasama si Elmo ngayon?"
Tanong ni Maqui ng magkasabay sila sa entrance ni Julie.
"Bakit Maq, magkadikit na ba kami sa tadyang?" Balik ni Julie.
Natawa lang si Maqui. "Malapit na Jules, gusto mo ako na tatawag ng plastic surgeon?"
"Gaga ka talaga Maq." Natatawang sagot ni Julie. Sabay naman sila sumakay sa elevator hanggang sa maghiwalay sila sa kani-kanilang office room.
Wala pa si Alden sa loob ng pumasok siya. Linagay niya ang bag sa upuan sa tabi ng desk niya at deretsong umupo. Hindi pa lumilipas ang limang minuto ng bumukas ang pinto at pumasok si Alden, may malaking ngiti.
"Hey Jules, good morning."
"Good morning." Bati din ni Julie, at least good mood si Alden ngayon. Bumalik siya sa mga papeles na ginagawa ng lumapit si Alden sa kanya at binigyan siya ng isang daisy.
Umangat ang ulo ni Julie at tiningnan noya ang katrabaho. "Ano ito?"
"Daisy." Simpleng sabi ni Alden na nakangiti. "Kayla mama kasi ako natulog kagabi eh nakita ko yan sa garden niya, ang ganda lang so I decided to give it ro you."
"Oh, thank you." Mahinang ngiti ni Julie. Inamoy amoy niya yung daisy bago linagay sa taas ng planner niya.
Ngumiti lang ulit si Alden bago dumeretso na sa desk niya. Buong umaga hindi nito kinausap si Julie at hindi naman sanay ang dalaga pero hinayaan niya. For once hindi siya kinulit nito.
For the first time kinausap naman siya nito ng dumating ang lunch time.
"Jules, sa labas tayo maglunch?"
Napatingin naman si Julie dito. "Ah sure why not..."
Chineck muna nila lahat ng gamit sa loob ng kwarto bago nagsihanda sa paglabas. Dala ni Julie ang bag habang si Alden ay binulsa lang ang kanyang wallet.
Dadaanan na sana ni Julie si Maqui kaso maaga ito nagtext at sinabing mamaya pa siya maglulunch sa kadahilanang medyo busy pa siya.
Nako edi kaming dalawa lang ni Alden...
"Jules tara?" Hinihintqy na pala siya ni Alden sa may elevator.
Binilisan naman niya ang paglakad at nginitian ang katrabaho.
===============
"Elmo!"
"Ha?"
"Anak ng tilapia naman Moe! May kausap ba ako!"
Binaba ni Elmo ang cell phone at napatingin sa kapatid. "Ah sorry kuya... ano ulit sinasabi mo?" Nasa canteen sila ng kompanya dahil parehong tinatamad lumabas ng building. Kakatext pa lang ni Elmo kay Julie kung kumain na ba ito ng lunch at nagreply naman kaagad na kumakain pa lang siya.
Napailing si Frank habang tinitingnan ang kapatid. "Buti hindi natunaw yang telepono mo no?"
"Bakit naman?"
"Kanina ka pa kasi nakatitig sa wallpaper mong mokong ka."
Napakamot sa likod ng ulo niya si Elmo. Magsasalita pa sana siya ng biglang dinampot ni Frank ang cellphone niya.
"Kuya! Ay put--wag!!!"
"Asus, kaya naman pala." Too late. Kitang kita na ni Frank na ang wallpaper ni Elmo ay isang stolen shot ni Julie habang nagp-piano.
"Akin na nga yan!" Pagagaw ni Elmo sa telepono nya.
Tumatawa pa rin si Frank. "Ano ba bro? Hindi ka pa sinasagot?"
Napaaimangot si Elmo at nakatingin sa gilid na sumagot. "Pucha may kompetisyon kasi eh."
Halatang naintriga si Frank sa sinabi ng kapatid at hinila pa ang upuan para mas mapalapit kay Elmo. "Kwento naman dyan..."
"Tss, katrabaho niya..."
"Yun lang? Kwento pa! Bakit, mas gwapo ba sayo? Anong binabahala mo dyan?"
Napailing si Elmo. Si Alden? Mas gwapo sa kanya? Tss. Pero wala siya pake doon. "Eh siyempre naman kuya magkatrabaho sila eh."
"Ano ngayon?" Natatawang sabi ni Frank. "Mas close na kayo ni Julie ngayon diba? Sayo pa nga nagpasama nung may nangyari sa kapatid niya diba? At sino ba kasama ni Julie sa penthouse? Diba ikaw?"
Ang rami sinabi ng kuya niya. Hindi pa siya nakakahirit ng magsalita ulit ito. "Alam mo ngayon lang kita nakita ganito laaligaga sa babae."
At hindi namalayan ni Elmo na napapangiti na siya Hinarap niya si Frank. "Ewan kuya, she's making me feel things I've never felt before." Oo na corny pero yun naman ang totoo.
===============
"Grabe sarap ng burger dito." Busog na sabi ni Alden.
Sumangayon naman si Julie kasi masarap nga talaga yung burger. Nginitian niya si Alden sabay subo sa sarili niya ng fries.
Bigla naman niya napansin na nakatitig sa kanya si Alden.
"O, bakit?"
Ngumiti muna ito bago sumagot. "Ewan, ang ganda mo eh."
Napailing si Julie at medyo napapangiti. "Ikaw pa rin manlilibre kahit anong bola mo dyan."
"Ilibre pa kita araw araw basta hayaa mo ako tumingin sa iyo."
Napangiti lang si Julie at sa isip isip niya. Bakit ganon?
===============
Understatement na naeexcite si Elmo unuwi nung gabing yun. Gusto niya sana sunduin si Julie kaso sinabi nito na may pupuntahan pa kaya magkita na lang sila sa penthouse.
Pumasok siya sa loob at walang tigil na bati nanaman ang binigay sa kanya. Siyempre pagmamayari niya yung hotel.
"Elmo!" Natigil siya saglit ng makita si Joyce na papalapit. Muhkang papauwi na ito.
"Joyce..." Mahinang ngiti niya. "Pauwi ka na? Asan si Kris?"
Joyce sighed softly. "Kelangan niya magpaiwan eh, may inaasikaso, mauna na daw ako."
"Magisa ka lang?"
"Ah no. Actually hinihintay ko yung brother ko sabay kami pauwi."
"Ah buti naman..."
Sabay naman ang kunt noo ni Joyce. "Si Julie nga pala?"
"Ah, meron pa rin daw aasikasuhin, si Maqui naman daw maghahatid sa kanya pauwi..." Elmo explained.
"Haha. Nasanay lang ako na magkasama kayo lagi." Sagot naman ni Joyce.
And Elmo couldn't help it, but he blushed. He actually blushed! Nararamdaman jiya ang pagguhit ng init paakyat sa batok niya hanggang sa muhka. Was it wrog that he felt happy with people getting used to the fact that he was always with Julie?
"O, yan na pala si Julie eh..."
Napaharap naman si Elmo sa entrance ng marinig niya ang sinabi ni Joyce. Nawala ang ngiti niya. From his position, kitang kita niya na hindi kotse ni Maqui ang binabaan ni Julie.
"Hi Jules!" Bati ni Joyce at nakipagbeso pa kay Julie ng makapasok ang music producer.
Elmo stayed quiet, baka pumutok siya kapag nagsalita eh.
Marahang nginitian siya ni Julie pero pareho pa rin ang ekspresyon sa muhka niya.
At dahil doon, humina ang ngiti ni Julie.
Napatingin si Joyce sa dalawa. Medyo nagegets niya na may mali. She cleared her throat.
"Uhm, I'll go ahead, malapit na daw brother ko." Nagpaalam na ito kay Elmo at kay Julie.
Hinarap naman ni Julie ang kababata. "Elmo--"
"Si Richards naghatid sayo?"
Kumunot noo ni Julie. "Oo, ano ba kinakagalit mo diyan?"
Elmo scoffed. "Sabi mo sa akin si Maqui kasama mo pauwi..."
"Eh sa may kinailangan siya puntahan and Alden was available kaya sumabay na ako sa kanya..." Julie answered, medyo naiinis na din.
"Natural available yun nanliligaw sayo eh!" Tumataas na boses ni Elmo at tumitingin na rin ang ibang tao sa kanila.
Julie sighed and had to roll her eyes. Naiirita siya. "Wag ka sumigaw sa sarili mong lobby Elmo. Pagod tayo pareho, at hindi kita papatulan diyan sa immaturity mo." Dumeretso na siya paakyat sa penthouse at naiwan si Elmo na nakatayo sa lobby.
T*ng*na lang Magalona, nice going.
Hindi napigilan ni Elmo at nahampas ang likod ng sofa na nasa tabi niya.
========
AN: Halloo!! Paumanhin sa typos! Hehe! Ano yung nasa isip ni Julie nung kumakain sila ni Alden? Mwahaha! Salamat po sa nagbabasa, nagvovote at nagcocomment!! please keep doing so XD Thank you!!