Balik klase na kaya maaga akong nagising para maghanda. Nasa sala na si mama dahil siya ang nagluluto para sa ‘kin. Masaya akong bumaba suot ang bagong damit na bili ni Grant noong nakaraan. Nahihiya pa nga siya ibigay dahil sa Tiangge lang niya nabili ito. “Kapilan,” ani mama na busy sa paghahalo ng niluluto niya. “Good morning, ma.” “Kapilan anak, napapadalas yata kayo ni Grant sa paglabas na kayo lang.” Napatingin ako sa kaniya. Hindi siya nakangiti ngunit hindi ko rin masasabing galit siya. “Sinasamahan niya ako minsan ma. Magkaibigan naman po kami.” Tumango si mama ngunit mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. “Nasa Canda na ang kuya mo,” aniya. Oo nga pala, umalis na si kuya tatlong araw na ang nakaraan. “Lagi ka niyang ibinilin sa amin. May nalalaman ba siyang hindi namin n

