Chapter 31

1131 Words

Anong ginagawa niya dito? Tumingin ako kay papa at naabutang nakatingin siya sa akin. “He’s our driver starting today,” sabi nito at kinindatan ako. Laglag ang panga ko habang papalapit kami kay Grant na pinipigilang mangiti habang nakatingin sa akin. “Good morning ma’am, sir.” Tumango si papa sa kaniya at agad na dumiretso sa front seat. Pinagbuksan ako ni Grant ng pintuan. Naroon pa rin ang naglalarong ngiti sa labi niya. Hindi ko alam anong nangyayari at gusto kong malaman bakit naging driver na namin itong si Grant. Bago pa ako nakapasok, marahan niyang hinawakan ang kamay ko habang hindi nakatingin si papa sa amin. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan at si papa lang ang kumakanta na alam ko namang iniinis kami. “Langit kaaaa, lupa akooo, hanggang saan nalang ba tayooo ohhh.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD