Hindi ko alam kung maganda bang hindi pumunta si Grant sa bahay ngayong araw. Dahil gumabi nalang, wala pa rin sa mood ang lahat. Hindi sumabay sa amin sa pagkain si Tintin. Buti at maraming rooms dito, na accommodate lahat ang mga pinsan kong nandito. “Ate, Tintin was hurt. Can you at least talk to your daughter?” mahinahong sabi ni mama na nag-aalala sa pinsan ko. “Pabayaan mo siya Camya para magtanda.” Striktang sabi ni tita. “Tama si Rica, Camya. Sometimes, we need to be strict with our children para lumaking hindi sutil.” Napaupo lahat ng pinsan ko sa sinabi ni lola. “But do you think it’s too much ma? Crush lang naman ni Tintin iyong Laris. Bakit hindi natin sila hayaan na e-enjoy ang pagkabata nila? I’m sure having a crush is part of their youth.” “That’s a b*llshit principle

