“Ano ‘yon?” nataranta ako nang biglang tumayo si Rett. Malalagot ako oras na malaman niya kung sino ang pinatuloy ko sa kwarto ko. “Wala. Pusa lang ‘yon.” Kinakabahan kong ani. Kumunot ang noo niya at pinagsingkitan ako nang mata. “Walang pusa sa inyo. Allergy ka sa pusa.” Aniya na ikinatahimik ko. Ano ba kasing ginagawa ni Grant sa kwarto ko? Nag ta-tumbling ba siya doon? “Ano? Meron ah. Sige na. Umalis ka na. Antok na ‘ko,” sorry Rett. I’m trying to save my dignity here. “Pinapaalis mo ‘ko?” tila hindi makapaniwalang tanong niya. “Oo- I mean hindi.” “Alright. Aalis na ako.” Tumingin siya sa itaas ng kwarto ko at sa akin. Nagpakawala siya nang isang malalim na buntong hininga bago tuluyang umalis. Napahawak ako sa dibdib ko at nagmamadaling umakyat sa itaas kung nasaan si Grant ngu

