“Girlfriend!!” Inis na nagtuloy tuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin si Grant sa likuran na parang tuta kung makasunod. “Hey!” Aniya nang makalapit na siya sa akin. Agad niyang ipinulupot ang braso niya sa bewang ko at inilapit ako sa kaniya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla niyang inilapit sa akin ang ulo niya kaya dumampi ang labi niya sa tenga ko. “Walk slowly babe.” Tatlong salita lang iyon pero nagtayuan na bigla ang mga balahibo ko sa katawan. “Anong ginagawa mo, Grant?” inis na bulong ko kahit na kinakabahan ako sa lagay na ito. “They are looking at you earnestly. I’m pissed!” Galit na sabi niya. Tumingin ako sa gilid and I saw some gals na manyak kung makatingin. Tumayo ako ng tuwid saka tumikhim. Hinawakan ko ang kamay ni Grant na nakahawak sa bewang ko at mas

