“Anong ginagawa mo diyan?” tanong ni kuya na kunot pa ang noo. “Wala. May tinitignan lang ako,” sabi ko at lumapit sa kaniya. “Tara na?” Pag aya ko. Nagtataka siya sa ikinikilos ko pero hinatak ko na siya pabalik ng court. “Kapilan,” “kuya?” “Si Rett pa ba ang gusto mo?” Seryosong tanong niya. Hindi ko alam kung saan papatungo itong pag-uusap naming ito. Pero natatakot ako sa kalalabasan. Ewan, kinabahan lang ako bigla. “Bakit ba?’ sumimangot na ako. “Wala ako sa tabi mo sa susunod na buwan. Ayaw kong mapahamak ka.” “Bakit naman ako mapapahamak?” “Makakampante ako kung na kay Rett pa rin attention mo. Pero kung nasa iba na, sana hindi ito lumalim.” Ano bang pinagsasabi ng walis tingting na ‘to. “Kung anuano na ang sinasabi mo.” “May tao na pwede lang natin maging kaibigan at h

