The confirmation na buntis nga ako ay sinabi ni Doc sa amin no'ng araw din na dinala ako ni mama sa hospital. Naka dalawang try din ako ng PT noon at positive din ang resulta. Lumipat na si mama dito sa probinsya kasama ni manang Je para may makasama ako. Hindi naman naging maselan ang pagbubuntis ko. Unti-unti, bumalik ang sigla sa puso ko. Ngunit hindi ibig sabihin no'n, tuluyan na siyang nawala sa utak ko. Lagi ko pa ring tinatanong ang panginoon kung nasaan na siya. Na sana ay magkita pa kami. Nababaliw na nga yata ako. Inis ako pero gusto ko pa rin siya makita. Minsan, si papa, dito sa probinsya na rin umuuwi at hindi na doon sa bahay namin malapit kina Rett. Si Rett na matagal ko na ring hindi nakikita. Nabalitaan kong ilang ulit niyang tinangka na alamin ang address ko pe

