Nanlalaki ang mga mata ni Arion sa sinabi ko. Napatayo siya at napahawak sa kamay ko. “What did you say?” “Grant is with me,” ulit ko. “Sinong Grant?” Kumunot ang noo ko. Sinong Grant ang tinutukoy niya? “Anong sinong Grant? Bakit? May iba pa bang Grant?” nabitawan niya ako at parang napapaso na lumayo sa akin. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam bakit ganiyan ang reaction niya? “W-Where is he? T-Take me to h-him,” nauutal na aniya. Nanginginig ang buo kong katawan na tumayo. I-I need to go. Wisterio is with him. Halos mabunggo-bonggo ko na ang mga nakakasalubong ko. Kung wala si Arion sa likuran ko nakabantay ay hindi ko na alam. This is out of my control. Nakalabas na kami ng palengke at hinanap ang anak ko na kasama ni Grant o kung sino mang poncio-pilatong ‘yon. Nakita ko s

