Dinala niya kami sa isang magarang bahay na kung hindi pa niya sinabi na bahay niya ay aakalain kong resto talaga. “Wow lola, your house is so big.” Namamanghang sabi ng anak ko. “You like it? Pwede ko itong ibigay sa ‘yo,” sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. “Talaga? You can do that lola?” Agad kong hinawakan ang anak ko para sana patigilin ngunit nagsalita ang mama ni Grant. “Of course, apo. Lahat ng makikita mo ay sa ‘yo,” sabi pa niya na parang isa lang laruan itong pinag-uusapan nila. “I’m pretty rich,” turan ng anak ko. Napapikit ako lalo na nang marinig ang tawa ng ina ni Grant. “Kapilan, you can call me mama. Huwag kang mahiya.” Sabi niya sa akin bigla. “P-Po ma’am?” kinakabahan kong sabi. Tumawa siya. Tinapos niyang kausapin ang katulong at tumingin sa ‘kin. “What I’

