Biglang tumahimik ang lahat. Ang mga mata namin ay naka focus lang sa anak ko at kay Grant na nakatingin sa kaniya. Tumingin siya sa akin saka bumaling sa bata. Nakita ko ang dahan-dahan na pagtango niya na para bang sinasabi niya na, anak nga niya ang anak ko. “Isn’t it weird?” tanong ng anak ko. “We have the same features but we’re literally stranger to each other.” Natawa si Rosemelit sa likuran ko sa sinabi ni Wisterio. “Yeah?” hindi alam ni Grant ang isasagot sa bata. “But can I at least request a hug from you?” Nagkibit balikat ang anak ko at yumakap kay Grant. That scene teared me up. This is far from what I expect but I guess this is the reality. Kinagabihan, sumama si Grant sa akin sa labas. May upuan kaming gawa sa kahoy malapit sa tabi ng bahay. Sobrang ganda ng gabi at

