Namumula kong tinapik ang balikat niya. “Tayo na,” Nauna akong lumabas sa kaniya at hinawakan ang anak kong nakaupo sa sofa na hinihintay kami ni Grant. “Tito Adrian is waiting outside, mama.” Van ang gagamitin namin ngayon. I beeped the guards to come with us ngunit sa malayo lang sila magmamasid. “Your tita Rose?” “Kasama ni tito. Wait! Where’s papa?” “I’m here, bud.” Sabay kaming tumingin ni Wisterio kay Grant na kakalabas lang ng kwartong nilabasan ko. Niyuyupi niya ang sleeve pataas. “Papa!! Up!” Napatingin ako sa anak kong nagpapakarga sa papa niya. Hindi naman ito ganito sa akin o ‘di kaya kina papa. Binuhat pa rin siya ni Grant at sumabay sa akin sa paglabas. Sa hindi kalayuan, nakita ko si Rose na hinihintay na kami. Sa tabi niya ang pinsan kong tinataasan ako ng kilay.

