“Should I stop calling him papa, mama?” tanong ng anak ko sa tabi ko habang nakatingin kay Duke na kasama ang anak niya. Totoong anak niya. “No, baby. You can still call him papa, anak. He’s still your tito.” Si Lucy ang sumagot at binigyan niya ng juice si Wisterio. Binigyan niya ako ng rin ako ng juice at tumabi sa amin. “Duke!” Tawag ni Lucy. Lumingon si Duke sa amin at agad na nginuso ni Lucy ang anak ko. Agad na lumapit si Duke sa amin. Tumingin siya sa akin at kay Wisterio. “You want to play with papa, son?” tumingin si Wisterio sa akin. Tumango ako sa kaniya. Nahihiya siya. “Pero po papa, hindi po k-kita totoong papa. Isn’t it weird po if you still play with me?” Tumingin sa akin si Duke. Hindi ko rin alam ang sasabihin. Lumuhod siya sa harapan ng anak ko at hinawakan ito s

