Natahimik ako at napatitig sa kaniya. “Noong nagpunta tayo lahat sa common house ni lola, 3 years old ka palang noon kaya hindi mo na siguro matandaan, binigay mo sa akin ang laruan mong manika.” Natawa si Adrian. “I remember your puffy cheeks that time. I was alone in the room dahil nakakadiri ang sakit ko no’n sa balat. But you came to me and chose to play with me,” Napanguso ako kasi wala na talaga akong matandaan. No wonder pala sa pictures naming magpipinsan, nasa tabi niya ako palagi. “Thank you,” sabi ko. “I’m waiting for you to say that. Lagi kaya kitang binibilhan ng ice cream but wala kang thank you.” Napatingin ako sa kaniya. “What?” Ngumuso siya at sinamaan ako nang tingin. “I should be your kuya and not Philip. Kini-credit ng gago lagi ang ginagawa ko sa ‘yo.” Natawa si

