Chapter 5

1408 Words
"Good morning Miss Shey" bati ko sa secretary na nag assist sa amin nung interview. Nag angat naman ito ng tingin mula sa computer at ngumiti sa akin. "Oh, you are already here. Good morning to you Miss Dela Vega. The president is expecting you today right? Hindi kasi siya nakapasok kahapon that's why, si sir Matt yung nag interview. But anyway, he wants to meet you today, together with the other bosses from the manufacturing plant since you are going to lead the inspection team." Ngumiti ako dito. "Yes po. Sir Matt kind of mentioned about that yesterday" "I'll walk you to the conference room. They are all waiting for you there." Tumayo na ito at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman ako dito. "Maaga ba talaga silang pumasok? I mean 7:45 na kasi ako mag time in. I thought maaga na ako" hindi ko kasi inexpect na nandito na sila. Akala ko maghihintay pa ako ng ilang minuto. "They are always having their early meeting at around 6 am every Tuesday. Minsan kasi bumabalik din ng maaga sa planta yung mga Managers" sagot nito. "Here we are." Tumigil kami sa harap ng isang malaking kwarto. Kumatok muna si Miss Shey bago binuksan ang pinto. Nasa likod niya ako kaya hindi ko pa nakikita ang mukha ng mga magiging boss ko. "Good morning po. Sorry to interrupt your meeting but Miss Dela Vega is already here." Pambungad nito. "Great. You can now go. Thank you Shey." sa boses pa lang ay alam kong si sir Matt iyon. Pamilyar na sa akin ang boses niya. "Okay sir." Sagot nito at nakangiting bumaling sakin. "Pasok ka na ma'am". "Thank you" Nilakihan nito ang bukas ng pinto at binigyan ako ng daan. Nginitian ko naman ito at saka nagpasalamat ulit. Nang makapasok ako sa loob ay agad akong bumati. "Good morning po." Nilibot ko ang tingin. Merong 10 tao ang naroon,tatlong babae at pitong lalaki kasama na si sir Matt. Sila na siguro ang mga may matataas na posisyon sa kumpanya. Tumigil ang tingin ko sa isang lalaking matamang nakatingin sakin. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang lalakeng iyon. Ang lalakeng nakasama ko ng gabing iyon sa bar. Hinding hindi ako pwedeng magkamali sa mukhang iyon. What is he doing here? Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan lalo. na't malalamig na titig ang ipinupukol niya sa akin. Alam kong nakilala niya ako sa klase pa lang ng kanyang tingin. Hindi malabong mangyari yun. Iniiwas ko ang tingin ko at pilit na ngumiti. Relax Stephanie. Bumati naman sila pabalik maliban sa lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng mahabang lamesa, ang lalaking kung tumingin ay parang tagos hanggang kaluluwa. Oo, ramdam ko ang titig niya kahit hindi na ako nakatingin. At pinipigilan ko ang sarili na mapagawi din ang tingin sa pwesto niya. "Angel, come, sit here." tawag ni sir Matt. Parihaba ang hugis ng conference table at siya ay nakaupo sa isang dulo. Katapat ng lalaking nakilala ko sa bar. Sa kanan ni sir Matt ay may isang bakanteng upuan at doon ako nagtungo. Pagkaupo ko ay siya naman ang tumayo at tumikhim. "So ladies and gentlemen, this beautiful girl beside me is Miss Stephanie de la Vega. She will be leading the company's inspection team. I hope you'll help her get through her tasks." Bumaling siya sa kin. "So Angel, these are the managers from the manufacturing plant and here in the main office. So you'll meet them every time you have your internal audit on site but sometimes you'll stay here at head office since you'll also do inspections for our suppliers. Let me introduce them to you. Starting from your right Angel is Diane Florecio, the Plant Manager, next is Arnold Chua, the Vice President of Engineering division, Lanie Villela and Elizabeth Ortiz, Production Managers, Ramil Atienza, QAD Manager, Mark Saroza, Head of Purchasing, John Santos, Distribution Head, Frank Atienza, Head of HR and Accounting," itinuro nito isa isa ang mga big bosses. Itinuro naman nito ang lalaking pilit kong iniiwasang tingnan "And of course Miss Steph, he is Laurence Titus Villarama, our company's President." What have I gotten myself into? This is too much. trouble. Alanganin ko naman itong nginitian pero malamig na tingin lang ang isinukli nito sa akin. Suplado. "Don't mind him Angel, ganyan talaga yan pero hindi naman nangangagat," bulong ni sir Matt sa akin na nakaupo na pala. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nag usap usap naman sila tungkol sa mga concerns at problems sa kumpanya. Sa tuwing nagsasalita si sir Laurence ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Short but on point, lahat ng sinasabi niya. Ang bilis niya ding makaisip ng solusyon sa problema. No wonder, kahit mukhang bata pa eh presidente na agad ng kumpanya. "So I think it's settled. No additional concerns?" Nilibot ni sir Matt ang tingin at wala ng nagsalita. "Meeting's over, you can now all go back to work." pormal na pagtatapos ni sir Matt sa meeting. Umalis naman isa isa ang mga boss hanggang sa kaming tatlo na lang nina sir Matt at sir Laurence ang natira. Hindi ko pa din tinitingnan si sir Laurence. Hindi ko magawang tumingin sat direksyon niya. Tumayo na ko at akmang lalabas na din sana ng biglang magsalita si sir Matt. "Gusto mo bang i-tour kita dito sa building? Since this is your first day" Nakangiting offer nito. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para tanggapin ang offer niya ng isang baritonong tinig ang nag patigil sa akin. "I'll go with her. Leave Vergara." Sabay kaming napalingon ni sir Matt. Hindi ko napansin na malapit na pala siya sa pwesto namin. "I thought you were busy Titus?" So he prefers to be called Titus, not Laurence. Noted. "I said leave." Matigas na sabi nito. Para akong kinilabutan sa tono ng boses niya. Masyadong malamig. Malayo sa lalaking kasama niya ng gabing yun. She mentally slapped herself for reminiscing that night. "I'm sorry Angel, guess the dragon wants to tour you today. I'll go ahead. See you around." Kumindat pa ito sa akin at nagmamadaling lumabas. Wala na akong nagawa ng makalabas na ito ng conference room. Hinabol ko na lamang ng tingin ang pasarang pinto at tsaka nag buntong hininga. "What is your schedule today?" Napapillag ako nang bigla siyang magsalita sa tabi ko. Bigla kong tiningnan ang papel na binigay ni miss Shey sakin kahapon. Ito daw ang magiging schedule ko for the next 30 days since hindi pa ako pwedeng mag take over fully ng position ko. Marami pa kasi akong kailangan matutunan. Being a lead inspector means great responsibility as you have to learn and understand how the company operates. "Company introduction and tour sir." I am proud of myself for not stammering. "Are you scheduled to have the plant tour today?" Wala pa ding emosyon ang boses nito. I checked my schedule again. "It is scheduled for tomorrow sir. I will also meet the inspection team there." Nasa Batangas kasi ang manufacturing plant. At madalas akong pupunta doon para mafamiliarize ako sa manufacturing process and equipment. Tumango lang ito at mataman akong tiningnan. Napatitig ako sa mata nito. Ang kulay brown nitong mata ay tila nanghihipnotismo. Mabilis kong ibinaling sa iba ang tingin. "Why did you leave me?" Napalingon ako dito at maang siyang tiningnan.. "Sir?" "I said," Why did you leave me that morning? I know that you clearly understand what I am. talking about Miss Dela Vega." Matigas na wika nito. So nakilala niya talaga ako. I cleared my throat. "I think this is not the right time to talk about that sir Titus. We are inside the company's premises." Propesyonal na sagot ko dito. Bumuga ito ng hangin at inilagay ang isang kamay sa bewang at ang isang kamay ay sa panga nito. Mukhang pinipigilan nito ang sariling magalit. May nasabi ba akong mali? "Alright. But call me Laurence, not Titus." Mariin nitong wika. Kumunot ang noo ko. Malinaw sa pandinig ko na Titus ang tawag ni Sir Matt sa kanya. Marahil ay family and friends lang ang pinapayagan nitong tumawag ng Titus. "Yes sir Laurence." sagot ko dito. Tumingin ito sa akin na parang may gusto pang sabihin ngunit tumalikod na lang ito at nauna nang lumabas ng conference room, Ibinagsak naman nito ang pinto na siyang ikinagulat ko. "Akala ko ba sasamahan niya ako mag tour?Bipolar. Kay miss Shey na nga lang ako magpapasama." bumuntong hininga ako
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD