Chapter 6

947 Words
LAUTHNER brushed his hair along with his hand. Pilit na ginugulo naman ng hangin ang kaniyang buhok habang nakikipag-usap ito sa ilang kumpol ng mga mangingisda. Sa tagal na ng pamumuno niya rito bilang may-ari ng isla, naging malapit na rin sa kaniyang kalooban ang mga mamayang nakatira rito. Hindi rin naman mahirap para sa mga tao na makisama kay Lauthner dahil sa hindi lang ito mabait—may malasakit pa sa kapwa. "Sir, pasensya na ho. Hindi yata kami makakahabol sa kota ngayong linggo," may bahid ng kalungkutan na wika ng lalaking may dalang balde na walang laman. "Pasensya na po talaga, Sir Lauthner. May nakukuha man kami pero sapat lang para pang pangkain ng pamilya namin," segunda ng isa nitong kasamahan habang kinukuha ang kanilang kagamitan sa bangka. Walang pag-alinlangan naman inakbyan ni Lauthner ang lalakeng may dalang balde, "Mang Rani, ni isang beses po ba ay pinagalitan ko kayo sa tuwing tamang pangkain lang ng pamilya ninyo ang nakukuha niyo? "Hindi po, Sir," nahihiyang tugon nito. Tinignan ni Lauthner ang dalawa pa nitong mga kasamahan at ngumiti, "Alam niyo naman na walang kaso sa akin 'yan at isa pa, kapag marami naman ang nahuhuli—agad niyo naman ito ibinibigay sa akin kahit na andami ng nag-aalok sa inyo na sa kanila ninyo ibenta ang mga isda niyo." "Siyempre ho, Sir...Kung hindi dahil sa inyo ay tiyak na wala kami sa isla ngayon at walang ulam kaming mailalapag sa aming mesa na pagsasaluhan ng pamilya. Utang na loob po namin sa inyo ang buhay na nararanasan namin ngayon," punong-puno ng pagsasalamat na wika ng isa sa mga ito na may malaking ngiti sa labi. Napatawa si Lauthner dahil kahit kailan man ay hindi sumagi sa kaniyang isipan ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya inakala na ganito pala ang magiging tingin ng mga ito sa kaniya. Bukod pa rito ay mas lalo tumatatag ang kanilang samahan. Napahalakhak si Lauthner dahil hindi niya magawang itago ang kasiyahan nito. Bahagya niyang tinapik ang balikat ni Mang Rani, “O, siya! Magpahinga na muna kayo. Magkita-kita na lang tayo mamaya.” “Sige ho, Sir Lauthner,” wika ng nga ito at nagpaalam na. Isang tango ang iginawad ni Lauthner habang tinitignan ang mga ito paalis upang umuwi. Tuwing biyernes ng gabi ay nagkakaroon ng libreng salu-salo para sa mga mamamayan sa isla. Magaganap ito sa hindi kalayuan mula sa resort gawa na rin na roon mismo kukuha ng pagkain ang mga mamamayan para sa gagawing salu-salo. Ipinagpatupad ni Lauthner ang pagkikita ng bawat mamamayan tuwing biyernes upang magkaroon ang mga ito ng pagkakaisa at iparamdam na kahit kailan man ay hindi sila pinapabayaan ni Lauthner. Sa isang sulok naman ay naroon si Sieviana na tahimik lamang niyang pinagmamasdan si Lauthner. Dahil dito ay napalingon si Lauthner dahil nararamdaman niya na mayroong pares ng mata na nagmamasid sa kaniya. He turned his head before his eyes. He got it right. Nang makita niya kung sino ang taong iyon ay bahagya siyang nagtaka kung paano napadapad sa gawing ito ang babaeng iyon. They stared at each other but she seemed not to remember him. Also, Lauthner doesn’t care whether she remembers him or not. A trauma has been builds up when he receives multiple slaps from her last night. He doesn’t want to be associated with her nor be near. His phone rang and he immediately answered it by clicking the answer button. He looked away as he speaks through the phone and started walking away. Habang si Sieviana naman ay mayroong katanungan kung bakit gaano makatingin sa kaniya ang lalaki. She doesn’t know him pero parang mayroong nag-uudyok sa kaniya na kausapin ito. Habang tumatagal ay mas lalong naging matalim ang ginawa nitong pagtingin sa kaniya. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili na kausapin ito. Nang tuluyan nang umalis si Lauthner ay doon lamang siya nakahinga ng maluwag, pakiramdam niya kasi ay hinugot lahat ng lalaking iyon ang kaniyang hininga. Nanatiling nakaupo lamang si Sieviana sa troso dahil wala nakan siyang ibang magawa kundi ang umupo rito kung saan siya lang mag-isa. Habang pinagmamasan niya ang bawat alon, napapaisip siya sa mga bagay-bagay na nangyari sa kaniya. Sa tuwing naaalala niya ang dahilan kung bakit siya nandito—napapaiyak siya ng wala sa oras. “I-I just can’t believe that they did that to me,” he murmured while fighting her own sobs. “Why am I thinking that again?!” She smiled but that smile was too cunning to believe. Sieviana tried wiping her tears but her eyes couldn’t hold back. “Argh! Sieviana! You are here to have a vacation and enjoy yourself! Forget about them!” pangaral niya sa sarili nagbabasakaling magawa niyang kalimutan ang kaniyang problema. Subalit, kahit anong gawin niyang pangungumbinsi na kaya niyang kalimutan ang kataksilang ginawa ng dalawang taong importante sa kaniya ay mas lalo lamang siyang nasasaktan. Hind naman siya naging madamot at masama sa mga taong nakapaligid sa kaniya—kung kaya’t napapatanong ito sa kaniyang sarili bakit nangyayari ito ngayon sa kaniya. “Wala naman akong inaapakang tao para magkandalitse-litse ang buhay ko! It’s okay naman kasi for me kung nagloko sa iba ‘yong ex-boyfriend ko—pero bakit sa bestfriend ko pa na siyang nakakaalam ng lahat?! Why can’t he just pick some other girls and not someone who’s very close to me!” She lookes like a fool. Crying in the middle of the seashore while sitting in a trunk under a tree and crying softly because of the people whom she cherished, choose to betray her. It’s sad to think how betrayal can make a great impact into someone’s life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD