Umuulan pa rin at malamig, ngunit hindi ko na ramdam. Ang init ng aking pisngi habang sinundan ng tingin si Silvien. I’m so sleepy now. Suot ang dress ay maayos ang upo ko sa passenger seat ng Mercedes-Benz. Basa pa rin ang damit ko at malamig sa katawan kaya kailangan ko nang makauwi. Sinara ni Silvien ang payong pagtapos akong isakay sa loob ng kotse. He carried me and I let him, cause I couldn’t even walk properly! Kaya sa dilim at ambon ay hawak ko ang payong habang buhat niya ako at tinungo namin ang kaniyang sasakyan. Hinayaan niyang mabasa siya sa ulan habang inikot ang driver’s seat. I couldn’t help but stare at him in admiration. Suot niya ang puting shirt na basa pa rin at medyo dumidikit sa kaniyang katawan. Nandoon na ulit ang kaniyang sinturon at maayos na nakaikot sa

