Natigilan ako sa sinabi ni Silvien. Naiwan ang tingin ko sa kaniya habang hindi niya rin ako nilulubayan at kung posible lang magkaroon ng kidlat sa pagitan ng aming tinginan, baka nangyari na. Nilamon kami ng katahimikan. Doon ko lamang mas napagtanto kung gaano kami kalapit sa isa’t isa. I could feel his body against mine, and his arms locking me in between. Nagkataon pang pareho ang aming suot! Iyon nga lang, basa ako. At nabasa na rin siya dahil binuhat niya ako kanina. Ngumiti ako. Silvien also smirked, hindi nagpapatalo. Hanggang sa tumalas ang tingin ko at tinulak siya para lang mapalayo dahil wala siyang balak na umalis. Agad kong inayos ang pagkakatayo at humigpit ang hawak sa basang damit sa aking kamay. “Y-You’re crazy, Silvien!” saad ko. Gusto ko na lang matawa nang sarka

