There were three horses. Kung itatabi ang mga ‘yon sa dalawang kabayong dala namin kanina, mabilis sabihing galing lang sila sa iisang kabalyerisa. That they are taken care of the same way! Tuluyang nawala ang tawa nila Ava na ngayon ay nakasakay pa sa mga balikat ni Kier. My lips parted. Unti-unting umangat ang mga kilay ko noong nakita kung sino ang dumating. Sa basang mga pilikmata ay pilit ko itong inanig nang mabuti. Unang bumaba roon si Cleo. Sa kaniya rin napatingin sina Ava na agad nalukot ang mukha nang nakita ang pinsan ko. Isang tingin pa lang, sa talas ng mga mata ni Cleo ay halatang disgusto siya sa nangyayari ngayon. Ngunit hindi ko man lang napagtuunan ng pansin iyon. Instead, my eyes drifted to the man who just went down from a bigger, darker horse. Sa pagtama ng

