A tricycle approached me. Mabuti na lang! Hindi ko alam kung paano ide-describe ang bahay namin. At kung sakali, mukhang malaking singil ito dahil dulo pa iyon ng lupain. This will be the first time I’m going to ride a tricycle, too! Oh, bahala na. I really want to go home! Ang sama ng pakiramdam ko! Kaso lang, noong kinapa ko ang wallet ko, hindi ko natagpuan. I bit my lip and searched for it. What the hell? Where is my wallet? Nandito lang iyon, ah! “W-Wait lang po!” sambit ko at hinalungkat ang bag ko. Hanggang sa umalis na lang iyong tricycle at ibang estudyante ang sinakay. Inirapan pa ako noong umalis sa bench! Oh, dear. Halos nalaglag ang mga balikat ko nang napagtantong nawawala ang wallet ko. Siguro ay dahil sa pagmamadali namin kanina nina Lucy na matakasan ang ulan. I

