Hindi talaga napigil ang gusto ni Tita Finella na magpunta sa Manila Polo Club para manood ng polo match. It was weekend, kaya medyo mas maraming manonood. Hindi naman mainit dahil hapon na at malakas ang hangin. Sumama nga kami ni Leigh kay Tita Finella. Bukod sa hindi na rin mapaghihiwalay, Tita Finella is so excited for this one, at ayaw rin naman naming magtatampo siya. Hindi bago sa akin na manood ng polo matches. Hindi lang mahilig. I just like riding horses and sometimes, I race with them. But to watch men do it isn’t something I’d choose to do. “Girls, we should take pictures later,” sabi ni Tita Finella habang nauupo na rin dito sa viewing pavilion. Mayroon kaming VIP passes kaya mas makakagalaw sa loob ng polo club. Sa fieldside ay may mga nanonood din at ang iba ay bumab

