Kabanata 19 - Pag-alala

2519 Words

“Ano pang ginawa? Did he touch you anywhere else?” tanong ni Silvien na kahit sa damit ko ay napatingin siya, kung may bakas ng pagkalukot o hawak mula sa lalaking trabahador na iyon. Mukhang nasira ang araw niya dahil sa nangyari. Lumunok ako at umiling, maging ako ay nakaramdam ng takot kay Silvien. “Oh? Anong nangyari?” Si Mang Ador na kagagaling lang doon sa loob ng malawak na fence kung nasaan ang mga kabayo. Nagpatianod lang ako sa pagdala ni Silvien sa akin. Nang natanaw kami ni Mang Ador ay agad siyang nakiusyoso na tila naulinigan din na may nangyaring kung ano roon sa gawi ng mga trabahador lalo pa dahil mayroong nagkukumahog na umalis. “Silvien?” usyoso ni Mang Ador. Hindi sumagot si Silvien kaya bumaling din sa akin si Mang Ador. Inalis nito ang salakot at nasa its

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD