“Estella invited us over for dinner later. Napagkasunduan na namin na roon tayo magdi-dinner sa mga De Alba mamayang gabi,” may tuwang anunsyo ni Mommy isang umaga sa hapag. “Really, Mom? Nandito ulit sina Donya Estella sa El Amadeo?” manghang tanong ko dahil noong nakaraan ay wala sila rito. Walang tao roon sa mansyon ng mga De Alba. Tumango si Mommy at inalis ang oven gloves nang nilapag ang dessert sa ibabaw ng mesa. “Yes, hija. Ngayong araw lang din! They will be leaving again tomorrow.” Napaisip tuloy ako. Silvien is an only child. Hindi kaya nalulungkot sina Donya Estella? Na nag-iisa na nga lang ang anak nila, nasobrahan pa sa pagiging independent na halos bumuo na ng sariling buhay? Silvien doesn’t even want to use their own resources! At tingin ko, ni hindi rin siya mahi

