“Triana? Nag-iisa ka?” nangingiting tanong ni Helena na naglalakad palapit. It was another quiet afternoon for me. Nitong mga nakaraan ay nakahiligan kong maiwan dito sa sheltered bench kahit uuwi na sina Lucy maging ang boys. I have my books with me so I don’t get bored. Hinahayaan naman nila ako. Minsan nga kahit wala si Silvien, nagagawa kong mag-stay rito. No one is disturbing me so it was alright, and for some reason, I found comfort in the quietness. Napaangat ang tingin ko sa dumating. It was Helena. Walang practice ngayon at siguro late siyang umuwi dahil may inasikaso pa. Yakap ni Helena ang kaniyang libro at maayos na nakasabit sa balikat ang shoulder bag. Her long hair fell gorgeously, at sa kabila ng may kalakasang hangin ay hindi iyon nagugulo. She was wearing a long-s

