Wala siya sa kwarto kaya naisipan kong bumaba. Hinagilap ko ang mga damit at sinuot muli. Kagat-kagat ko ang aking labi habang iniinda ang epekto ng ginawa namin ni Silvien sa katawan ko, and especially in between my legs. Marahan kong binuksan ang pinto at sumilip doon nang nakabihis na. Tahimik ang buong mansyon ng mga De Alba. Tinungo ko ang hagdan at nadaanan ulit ang naglalakihang portrait ng mga ninuno nila. Bumaba ako sa grand staircase. Mabagal ang lakad ko kaya pinasadahan ko na lang ng tingin ang mga nakahilerang portrait. There were many. Tatlo lang ba talaga ang magkakapatid sa mas matandang mga De Alba? Don Silvianno, Don Leonardo, and Caleb and his sister’s father. Tatlong lalaki lang? Isa lang ang anak ni Don Silvianno. Only Reigan. Si Don Leonardo naman, isa lang di

