Dahil wala si Sloan ay tumulak ako patungong Batangas nang mag-isa. Hindi na ako pwede pang maghintay sa kaniya bago gawin ito. My career is falling fast, and I need to do something about it. At tingin ko naman ay kaya kong gawin ito. Bahala na. Basta ang alam ko, kailangan kong makausap si Silvien. Kung hahanapin ko si Rhys, kailangan kong hanapin si Helena dahil magkasama sila, at para mahanap si Helena, of course, her supposed fiance is the one I should talk to! At dahil wala ang dalawa, si Silvien lang ang talagang malalapitan ko. And yes, I’m desperate this time to the point of setting aside our past. Matagal na rin naman simula nang nag-away kami ni Silvien sa yacht at noong nawala si Leigh kaya siguro naman ay makakausap na siya nang maayos. Hindi ko na inabala si Sloan. Bi

