Nahanap ko rin ang gripo, at mukhang iyon na rin ang sinabi ni Silvien kanina kung saan ako pwedeng maghugas ng mga kamay kung malagkitan sa banana cue. Agad akong naghugas doon, while my mind is lingering somewhere else! “No, Triana... oh, my god,” sabay iling ko sa aking sarili at mariing giit. Nagtagal pa ako roon dahil sa pagsubok na hugasan na rin ang heels ko para makauwi na! I think I’ve seen enough for this afternoon. Ang isang heel muna ang tinanggal ko at ang isa ay nanatili. Inangat ko ang isa kong paa at pinatong sa aking paa dahil basa ang sahig. Binaba ko ang tingin doon at agad nandiri sa basang lapag. I bit my lip, at tinapat ang heel ko sa gripo kung saan malayang umagos ang tubig. I tried to wash the mud off my flared heel, ngunit hindi ko magawa nang maayos dahil

