“Totoo nga, Triana? Crush mo talaga si Silvien Leander?” intrigang tanong nina Lucy habang nasa labas kami ng canteen kung saan natatanaw ang gymnasium. Dinig ang matinis na pagsayad ng mga sapatos ng mga player na naglalaro doon. Hinihintay namin sila Vaughn, who insisted on treating us. Nilibre niya kami ng inumin dahil kakatapos lang naming kumain sa canteen. Tumango lamang ako sa tanong nina Lucy. Pati ang ibang kaklaseng babae ay nanlaki ang mga mata sa gulat. “Yeah, that’s why I got carried away when we talked. Narumihan ang damit ko at napatingin siya. In-assume ko agad na binastos niya ako. I guess, it was really my fault,” sabay kibit-balikat ko. “Kung ganoon ay hindi naman pala talaga totoo. Kaya napapaisip din ako, eh! Dahil tingin ko talaga hindi ‘yon magagawa ni Leande

