Tahimik akong umupo sa nakitang upuan. At kahit nang ginawa ko ‘yon, ramdam ko ang sakit at hapdi ng mga paa ko. Para bang nalamog ang aking mga binti at hindi na yata ako makakapaglakad nang maayos. Habang tinitingnan ko ang kotse ni Daddy, inabutan niya ako ng malamig na tubig. Napaangat ang tingin ko kay Silvien. “Inumin mo,” masungit niyang sinabi. “Thank you,” saad ko nang tinanggap iyon at ininom. Kahit paano ay nabawasan din naman ang init na nararamdaman ko. Pinaypay ko ang aking palad sa aking leeg. The place is interesting and there are many things to look at. “Diyan ka lang,” saad niya kalaunan. He was sighing. Naging banayad ang kaniyang tingin noong napaangat ako ng mga mata. Sinabi niya iyon na para bang tatakbo-takbo ako rito. Sumimangot ako at naglakad na siya p

