Tatlong araw siyang mananatili sa El Amadeo. Sumakto rin na busy si Rieyna at hindi niya pa ako kailangan kaya mas may oras akong makasama si Silvien. We had dinner at our house. Si Mommy ang nagluto. Bumisita si Silvien at natuwa naman si Dad. Parang noon ko lang siya nakitang ngumiti ulit sa tagal ng mga buwan. Inimbitahan na rin nila Mommy si Ava. Kaya anim kami sa bahay. Tuwang-tuwa rin sila Mommy kay Ava. Parang hindi makabasag-pinggan si Ava sa bahay namin. Kinindatan niya lang ako at hindi ko mapigilang matawa na lang. Mahaba ang usapan nina Silvien at Daddy. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. It was a nice dinner. Noong araw lang din na ‘yon namin nalaman na birthday pala ni Donya Estella. Magdaraos ulit ng party ang mga De Alba at imbitado kami. It was on the third day o

