Hindi ako aalis sa Batangas hangga’t hindi bumabalik si Leigh at hindi nasisigurong okay siya. I could barely sleep knowing that my cousin is in danger. Wala na si Tito Iverson, wala na rin si Tita Katrina. Kami na lamang ang kasama ni Leigh kaya hindi namin pwedeng hayaan ito. Ano na lang ang mararamdaman nila kung mabigo kami? We were okay in the US. Wala nangyaring ganito habang naroon kami. Ngayon lang. Ngayon lang kung kailan nagbalik si Reigan sa buhay ni Leigh. Pumikit ako at huminga nang malalim, kinakalma pa rin ang sarili sa gulong ito. When I’m so lost, and when I lost everyone, Leigh was there for me. Huli man siyang dumating sa buhay ko, siya ang pinakatotoong nakasama ko. She’s not just like a cousin to me, she’s my sister, and my bestfriend. Sinabi ko kina Mommy

