Wala akong nagawa. Hindi ako nakapalag. Hindi naman gaanong nagtagal iyon pero bakit pakiramdam ko ay bumagal ang oras habang buhat ako ni Silvien na tila ba isang sakong bigas at basta na lamang ibabagsak. Except that I know he won’t toss me. Tuluyan akong napatahimik habang buhat niya ako sa kaniyang balikat. Ramdam ko ang tigas niyon dahil sa pagkakadiin ng tiyan ko. Kung hindi pa ako umayos, my boobs will get squeezed, too! Ni hindi ko namalayan ang paglalakad niya habang tumatahimik ang utak ko. Ang buong atensyon ko ay tanging nasa pagdidikit ng katawan namin. Gusto kong isipin na tsansing ang ginagawa ni Silvien, but I could only feel his one arm snaking around the back of my knees, at bukod doon, wala na. Ni wala akong maramdaman na hawak sa likod ng legs ko. He’s trying no

