Kakarating ko pa lamang isang panibagong hapon sa talyer, hindi ko natagpuan ang mga trabahador sa labas. Nangunot ang aking noo at medyo nagtataka. Hindi pa naman closing hours! Mabuti na lang at naabutan ko pa si Drix na palabas na ng talyer. Bitbit na nito ang bag at nasa ayos na mukhang pauwi na. “Uy, Tri!” bati niya. Nagtataka ako. “Where are you going? Where’s everyone?” tanong ko habang tinatanaw ang talyer! Bakit ang tahimik? Parang sarado? May nakaligtaan ba ako? Ako pa naman ang nagtipa ng opening at closing hours ng talyer doon sa Google Business! “Oo, holiday ngayon, ‘di ba? Kaso may tinapos kami ni Silvien, pero pauwi na rin ako,” sagot ni Drix. Napaawang ang mga labi ko. Magsasara pala sila ngayong holiday? Hindi ko alam! Nagbihis pa naman ako at dala ‘yong lapt

