"Good night Phoebe, see you tomorrow," saad ni Sage nang makarating kami sa village.
I just nod and bid my good night to them.
Pag pasok ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa sofa at humiga. Why do I feel so exhausted?
Para akong pagod na pagod sa buhay and this is a new feeling.
"Oh hija, mag ayos ka na para doon ka na sa kwarto mo mag pahinga," Ate Cecillia said and I nod.
"Saglit lang po Ate I don't have the strength to stand," saad ko habang naka takip ang kamay sa mata ko.
Naramdaman kong kinuha niya ang mga gamit ko and I bet na siya na ang mag lalagay ng mga iyon sa lagayan.
"Ate Cecillia, what do you think about me and Sage?' I asked, out of nowhere.
"Bakit? Nanligaw na ba sa iyo?" I can hear the happinness in her voice.
"No Ate, he have a girlfriend," malungkot na sabi ko. Why am I sad?
"Ay weh? Parang nung isang araw lang nag papatulong sa akin kung paano ka ligawan," she said that made me shock.
"Ano po?" I asked trying to recall what she just said. Why would he ask such things like that kung may girlfriend na siya?
"Nakaraan, nag tatanong siya sa akin kung anong puwedeng gawin para payagan ko siyang manligaw sa iyo, kaya nga tataka ako sa sinasabi mo ngayon," she said that made my jaw drop.
"Di bale na, mag luluto na muna ako, mag linis ka na muna ng katawan mo hija, tatawagin na lang kita," saad niya kaya umakyat na ako sa kwarto ko.
Pagkatapos ko mag half bath ay napatingin ako sa balcony ko naka sarado ang kurtina niya at bukas ang ilaw ni Sage, hindi pa siya tulog.
Napatulala ako habang iniisip yung sinabi ni Ate Cecillia. Did he really said that to her?
Naputol ang pag iisip ko nang mag appear ang anino ng dalawang tao sa bintana ni Sage na nag hahampasan ng unan. Hinangin yung kurtina ni Sage and I can clearly saw them happily playing pillow fight.
Napa iwas ako ng tingin, bakit ba naiinggit ako sa kanilang dalawa?
Napabunga ako ng hangin at binuksan ang phone ko. I'm not in the mood na mag basa nang mag basa ng libro, it will just make me think na I'm doing it para mag pagalingan kami ni Sage.
I open my social media and tried to entertain my self. And it was past ten minutes since I was scrolling nang may mag notif sa akin na may nag friend request sa akin.
Oh, this is the girl that looked at me in the mean way. I accepted her request and stalk her account. Oh my gosh, she's a war freak type of girl.
She have her new post like just 2 hours ago na. 'Kapag may boyfriend na yung lalaki, please lumayo na. Nilalandi pa eh" madaming nag react sa post niya and there's many comments too.
'ayan kasing si kitty hindi marunong dumistansya e'
'Uy sinong kitty? Pachismis nga'
'ihh kilala mo ba si PhoZa hahahaha'
'Ay hala, pa good girl si ate ganiyan naman pala ang personality'
That is just some of the comments in the com sec and I don't want to scroll more.
I have this feeling na ako yung pinaparinggan nila. Kaya kong hindi pansinin yung sa code name because I don't want to assume, but her post... it kinda match to my situation right now.
"Bakit ako tatamaan? Hindi ko naman nilalandi si Sage ah? Baka hindi ako, madaming tao sa mundo, imposibleng ako yon," saad ko sa sarili ko.
Natigil ang pag iisip ko nang tawag na ako ni Ate Cecillia. "Phoebe, bumaba ka na," sigaw niya mula sa baba.
Inayos ko na muna ang mga ginamit ko bago ako bumaba. Nang bumaba na ako ay naabutan ko silang nag uusap na ni Ate Sita.
"Seryoso bang girlfriend ni Sage yon si Camille? Parang wala namang namamagitan sa kanila," bungad sa akin ni Ate Sita pagka upo ko.
"Hindi naman po dineny ni Sage nung sinabi kong girlfriend niya si Camille," saad ko habang nag sasandok.
Tinulungan ako ni Ate Cecillia. "Baka naman hindi niya naintindihan yung sinabi mo, baka mamaya 'girl friend' ang pagkakaintindi niya," saad niya at um-agree naman si Ate Sita.
"Hindi po-" pinutol ni Ate Sita ang sasabihin ko.
"Hindi dahil hindi dineny ay tama na ang hinala mo, hindi sa lahat ng panahon nahihiya lang umamin ang mga nag deny. Maraming rason para hindi itanggi ang mga paratang, lagi mong tatandaan, may mga tao na dineny ang isang bagay pero ang totoo tama ang sinabi sa kaniya." Mahabang ani niya and that made sense.
"Kahit na po, hindi naman na po importante ang pribadong buhay ni Sage, kung tama nga po ako ano naman? Kung mali ako, ano naman?" Saad ko at kumain na.
Hindi na nasundan pa ang usapan namin, and I'm thankful for that. Bakit ba kasi big deal sa kanila si Sage?
"Bueno, hindi naman talaga mahalaga iyon. Mag aral ka na lang nang mag aral, baka hanggang kaibigan lang talaga kayo ni Sage, at ikaw naman Cecillia, huwag mo nang isipin na magiging sila ni Sage. Baka kaibigan lang talaga sila." Mahabang litanya ni Ate Sita.
Napansin kong may sasabihin pa dapat siya pero nginitian na lang niya ako at inaya nang ipagpatuloy ang kinakain.
Nang matapos kaming kumain ay hindi ako umakyat sa kwarto ko agad, I stayed in the living room for a while habang naka upo sa may bintana na inaantay na patayin ni Sage ang ilaw niya sa kwarto niya.
It was past two in the morning nang patayin niya ang ilaw niya and halos doon na ako sa couch matulog kasi madilim na sa paligid at kaniya lang ang may bukas na ilaw.
Tulog na sila Ate Cecillia sa kuwarto nila nang umakyat na ako. It's so quiet and luckily na lang na hindi ako takot sa ghost.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay agad kong napansin na may kung sino ang nag sara ng kurtina sa kuwarto ni Sage. And base on the height, si Sage 'yon.