Chapter 26 "Huh?" Nagtatakang tanong ko kay Iverson. Parang hindi nagprocess sa akin ang sinabi niya. O ayaw ko lang i-process sa akin ang sinabi niya. "Wala, tara na." Tiyaka siya tumayo at pinagpagan ang shorts niya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko ang kamay niya para makatayo na rin ako. Kagaya ng ginawa niya ay pinagpagan ko na rin ang short ko. Iniiwasan niya ang tanong ko, bakit? "Anong sabi mo kanina?" Paglilinaw ko sa tanong ko dahil baka hindi niya magets. Gusto ko lang maging malinaw ang sinabi niya kanina. Ayaw ko kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko ngayon dahil baka mali lang ang pagkakaintindi ko. O mali talaga ang pagkakaintindi ko. I really don't want to think some malicious thing on Iver, he is my best friend. We'

