Chapter 24 Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Iverson dahil may batang nakabunggo sa isang babae sa may gilid namin na nakakuha ng buong atensiyon ko. Kaagad kaming napatayo ni Iverson dahil sa nangyari, nilayo ni Iverson ang bata pagkatapos ay inalalayan ko ang babae. Mabuti nalang at hindi natapunan ng McCoffee ang batang lalaki! "Hey, babe. I'm sorry, are you okay?" Tanong ng babae sa batang lalaki. Agad na tumango ang bata na mukhang gulat pa sa nangyari. "Yes po, tita." Napabuntong hininga ako ng marinig ang bata. "I told you to wait there." Sabi ng babae tiyaka nilagay ang tray sa isang bakanteng lamesa. Yung McCoffee lang naman ang natapon kaya may pagkain pa sila sa tray. Napatingin ako sa batang lalaki ng mapansin kong pamilyar ang mukha niya. Lalong kumunot ang n

