Chapter 13 "Alam ba ng kuya mo na pupunta tayo sa gymnasium nila?" Tanong ko kay Gail na ngayon ay nag-aayos ng buhok. Kakatapos nga lang niyang mag powder at tint. Sinundo ako ni Iver sa amin dahil Saturday naman ngayon, half day lang ang duty namin. Pagkatapos ay pinuntahan namin si Gail sa bahay nila. Nandito kami ngayon sa kwarto niya habang nag-aayos siya sa vanity mirror niya. "Bakit kailangan pa ba ng permission niya?" Pambabara niya sa akin. Napailing nalang ako sa sinagot niya. Nakaupo lang sa sofa niya si Iver habang ako nakaupo sa kama niya. Siya nalang ang hinihintay namin, manonood lang naman kami ng basketball game pero bakit parang pupunta siya sa date? Kinuha ko nalang ang cellphone ko para hindi mainip sa kakahintay sakaniya. Si Iver kasi nagdala ng isa naming han

