Chapter 6
"Inuman na!" Agad na sigaw ni Gail pagkaalis palang ng prof na nagbantay sa amin. Nagsihiyawan naman ang lahat. Bente sa amin ang sasama. The rest, mas gusto pa raw nilang magpahinga sa bahay. Gusto ko rin magpahinga, ang kaso lang nakabitaw na ako ng salita kay Gail.
Syempre sa sasakyan kami ni Iverson sumakay, sa bahay muna kami nung kaklase namin dahil warm up muna raw. Sagot na niya ang alak dahil birthday salubong niya rin ngayon. Pagkatapos kapag medyo may tama na sila ay pupunta na sila sa amper para magsayaw.
"Inom na inom na ako!" Wika ni Gail sa amin. Nasa back seat kasi siya samantalang nasa front seat ako. Mukhang excited na talaga siyang uminom.
"Kumalma ka mamaya Gail ah!" Baka kasi shot lang siya ng shot. Mahirap pa naman alagaan si Gail.
Nagpalit din kami ng suot kanina ni Gail sa CR ng school. Nakasuot siya ngayon ng shorts short at crop top na off shoulder. Samantalang fitted jeans at fitted na crop top lang ang suot ko. Naka gray shirt and jeans lang si Iverson.
"I can't promise that! Ang tagal ko na kayang hindi umiinom!" Natatawang sagot niya sa akin dahilan kaya napangiwi ako. Mukhang magiging nanay ako ngayong gabi kay Gail.
Pagdating namin sa bahay ng kaklase namin. May pa disco light pa sa sala ng bahay. Habang may iba't-ibang klase ng alak. Wala rin kasi ang mga magulang niya dahil nasa business trip.
Kaagad na nakihalo si Gail sa mga kaklase namin. Hindi ko na siya napigilan. In-on narin nila ang speaker kaya umingay na. May nakita naman akong spot na malapit sa kusina kung saan hindi masyadong maingay kaya pumunta na ako ron.
Tinitingnan ko lang silang nagsasaya habang umiinom. Well, deserve naman din nila ang magsayaw after a hell week. Kinuha ko ang cellphone ko tiyaka sila pinicture-an sa malayo. In-add ko ito sa IG story ko.
Nag caption naman ako ng "@GailyGirl drink responsibly please"
Napaangat ako ng tingin ng makita nang inalok ako ng inumin ni Iverson. Juice lang naman ang iyon kaya tinanggap ko na. Umupo siya sa tabi ko habang tinitingnan ang mga kaklase namin.
"Ang wild na nila, wala pa sila sa amper." Nakangusong wika ko sakaniya. Mukhang sasakit ang ulo ko kay Gail.
"Kahit nga huwag na silang mag amper dahil may music and lights naman pala dito." Sagot sa akin ni Iverson.
Natatangi kaming dalawa ang nakahiwalay sakanila habang nagkakasiyahan sila. May iilan pa na pumupunta sa kusina pagkatapos ay niyaya kaming dalawa pero humihindi kami. Isang oras na sigurong ganon hanggang sa in-stop ang music kaya napatingin ako sakanila nang nagtataka pero naghihiyawan sila.
"May bagong laro tayong gagawin!" Sigaw ni Mark kahit na may mikropono na siya kaya nagsigawan ang lahat. Si Mark ang may-ari ng bahay at siya rin ang magbibirthday.
"Bagong-bago 'to guys!" Medyo tipsy na sabi niya pa "Truth or dare or shot?!" Agad na nagsigawan na parang ngayon lang narinig ang game na iyon "Bawal ang KJ! Lahat tayo kasali! Pati iyong dalawang nasa kusina!" Sabay tingin sa amin ni Mark.
Umiling ako kaso nangunguna si Gail sa mga kaklase namin na papunta sa amin para hatakin kami. Wala na rin kaming nagawa ni Iverson kung hindi magpahatak. Naupo na kami sa sala habang may bote sa gitna namin. Hindi na rin sila nagpatugtog para magkarinigan kami. Halos tipsy na ang lahat kasama na si Gail, ang iba ay may tama na talaga.
May tequilla at lemon sa lamesa. Iyon siguro ang isho-shot. May kaniya-kaniya rin kaming shot glass. Hindi ko alam kung magandang ideya ba ito.
"Isang rules: bawal mag ishot ang shot na dapat ay para sa kaklase," wika ni Mark bago magsimula ang laro.
Nagkasiyahan ang lahat lalo na sa mga dare nilang rated spg at ang mga tanungan nilang r18 din. Walang halos gustong magshot dahil nag-enjoy sa tinatanong o kaya sa pinapagawa. Hindi ka rin makakapili kung truth or dare dahil alternate lang ang choice mo ay gagawin o sasagutin o magshot ka.
Dare na ang susunod na ituturo ng bote kaya pilit akong pumipikit at hinihiling na sana hindi ako ang mapili.
Kaso mukhang mapaglaro ang tadhana. Ako ang napili.
"Dare!" Sigawan nilang lahat. Nakitili pa si Gail na mukhang excited sa ipapagawa sa akin.
"Dahil ikaw ang best friend niya Gail, ikaw ang mag-utos!" Saad ni Mark kaya naman natawa si Gail na tipsy-tipsy na.
"Hmmm," kunwaring nag-iisip pa ang bruha "I-body shot mo ang prospect boyfriend mo!" Nagsigawan lahat. Umiling nalang ako tiyaka kinuha ang shot glass para i-shot iyon.
Dalawang shot kapag hindi ginawa. Kaya mabilisan kong shinot ang dalawang magkasunod. Pinigilan ko pang huminga dahil ayaw ko ng amoy ng tequilla. Agad gumihit ang pait at sakit sa lalamunan ko kaya agad akong kumain ng lemon.
"Next time, I'll drink your shot" wika ni Iverson sa tabi ko. Umiling ako habang halos isuka ko na ang ininom ko kanina.
Naka walong shot ako dahil hindi ko naman sinagot o ginawa ang mga pinapagawa nila sa akin. Kaya ang ending tinamaan na agad ako, hindi naman ako sanay na umiinom.
"Amper na guys!" Sigaw ng isang kaklase namin kaya naghiyawan ang lahat.
Pumasok kami ni Gail sa kotse ni Iverson, magkikita ulit sa amper. Hindi na nga tuwid maglakad si Gail at medyo nahihilo na rin ako sa ininom ko.
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Iverson habang nagmamaneho siya. Si Gail ay nagseselfie lang sa cellphone niya. Bukas ay may drunk pictures na siya.
"Yeah, I'm okay" sagot ko sakaniya kahit na nahihilo na ako.
"We can eat ramen muna," he suggested. Agad naman umangal si Gail na nasa likod.
"No!! Kaya nga we go to Mark house earlier para pagdating natin sa amper may tama na tayo why would you want to sober upppp?" Halos maiyak na tanong ni Gail. Dala siguro ng alak.
"Diretso na tayo sa amper," wika ko kay Iverson. Napailing siya pero wala na rin siyang nagawa. Dumeretso na kami roon.
Nagkita-kita kami sa labas ng amper nang mga kasama namin. Pagkatapos ay umakyat na kami.
Nang makapasok na kami agad akong hinila ni Gail sa mga nagsasayaw. Nawala na rin sa paningon ko si Iver sa dami ng tao. Wala akong magawa kung hindi panoorin si Gail na nagsasayaw.
Kumuha pa siya ng mga ishoshot. Hindi ko na rin siya napigilan na bigyan ako dahil lasing na siya. Wala akong magawa kung hindi sabayan siyang sumasayaw at umiinom.
Nakarami na rin ako kaya medyo umiikot na ang paningin ko. Hindi ko na nakuha pang hanapin si Iver. Shet. I am really sure, I'm drunk!
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa hilo. Pero pag-angat ng tingin ko hindi ko na makita si Gail. Shet! Nasaan na ba iyong babaitang iyon? Wala akong oras para hanapin siya kaya lumabas na lang ako roon. Bumaba na ako para makalanghap ng sariwang hangin. Ang kaso nga lang pagewang-gewang pa ako.
Hinahanap ko kung saan pinark ni Iver ang kotse niya. I can call or text him, hanapin niya si Gail para makauwi na kami.
Humahawak-hawak pa ako sa mga kotse dahil hindi ko na talaga kaya ang hilo na nararamdaman ko. Nasusuka na rin ako. Mabilis akong naglakad palapit sa isang halaman kaso nadapa pa ako buti nalang at may humawak sa braso ko kaagad kong tiningnan kung sino iyon.
"s**t. You're wasted!"
"Yes, I am! Remove your hands on me, Jonas!" Wika ko sakaniya habang pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Hey! Hey. Where are your friends? Gail?" Tanong niya pero wala akong time sagutin ang tanong niya dahil nasusuka na talaga ako!!
"Can you please let me go!!" Inis na wika ko sakaniya dahil baka masukahan ko pa siya. "I want to vomit!!" Sigaw ko kaya hinila niya ako palapit sa isang halaman at doon ako nagsuka.
Naaninag ko na nakahawak siya sa noo niya na tila ba na-stress sa akin habang pinapanood akong magsuka.
Nang matapos na ako ay binigay niya sa akin ang panyo niya kaya kinuha ko na iyon.
"May bottle water ako sa sasakyan, let's go." Wika niya tiyaka ako hinatak palapit kung saan naka park ang sasakyan niya.
Binuksan niya ang pintuan sa front seat tiyaka niya ako inupo roon. Kinuha niya rin ang bottle water na sinasabi niya sa likuran ko. Nakaharap ako sakaniya ngayon habang nakaupo sa front seat, hindi pa maayos ang pagkakaupo ko.
Kinuha ko agad dahil kailangan ko ng tubig sa katawan ko ngayon.
"Please, huwag kang magsuka sa kotse ko" wika niya sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil naisuka ko na rin naman lahat kanina.
Nakaharap siya sa akin habang nakapatong ang kamay niya sa pintuan. Nilalamig na rin ako dito. Gusto ko ng umuwi pero hindi ako pwedeng umuwi ng lasing! Sinabihan na rin ako ni mama kanina na pwede naman akong mag sleep over kina Gail.
Pinasok ko na ang paa ko sa kotse tiyaka pinikit ang mga mata ko. Narinig ko ang pagsinghap niya bago sinara ang pintuan. Pagkatapos ay nakarinig pa ulit ako ng pagbukas at pagsarado ng pintuan, gumalaw din ang kotse, pumasok na rin siya.
"Where are your friends?"
"Wait lang," naging pabebe narin ang boses ko dahil sa alak "Parang parang tinanong mo na iyan kanina ahhh." Parang batang sabi ko sakaniya.
"Yeah but you didn't answer it." Wika niya sa akin.
"Hmmm hindi ba? Hihihihi," sagot ko sakaniya "Ewan ko dapat kasi tetext ko ngayon si Iver para hanapin si Gail kasi hindi ko na siya mahanap kasi nahihilo na ako kasi lasing na ako tapos dapat dapat hintayin ko sila sa kotse ni Iver kaso kaso" naiiyak ako bigla hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro sa alcohol "hindi ko mahanap yung kotse niya." Tumulo ang luha ko habang kinukuwento ko iyon sakaniya.
Napailing siya sa kuwento ko. Siya na rin ang nag seat belt sa akin.
"Hatid na kita, text your friends. Make sure maihatid din ni Iverson si Gail." Tumango ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag tiyaka tinext si Iver.
Me: hahstid ns ako ji jsjons. Hansp mu si gaik oki isngt
"Hindi ako pwedeng umuwi ng lasing" I pouted.
Narinig ko siyang nagmura pagkatapos ay may tinawagan siya. Narinig ko dahil naka connect ang cellphone niya sa kotse niya.
"Damn! Nathaniel! He's not answering!!" He is frustrated.