Chapter 7
Pagkarinig sa boses ni Christopher ay nanindig kaagad ang balahibo ni Lily. Gusto niyang tumakbo!
Pero paano?
Nakaharang si Christopher sa kanyang daraanan!
"Let's go back inside," utos ni Christopher at isinarado ang gate.
Nanlumo si Lily ng makitang lock na ang gate. Makukulong siya sa nakakatakot at madilim na lugar kung saan nakakatakot din ang kanyang asawa!
Nanginginig ang kalamnan ni Lily sa sobrang takot at kita ito ni Christopher.
Natakot niya talaga ng sobra si Lily!
"I'm sorry if I make you scared so much." Sabi ni Christopher.
Hindi siya komportable sa paghingi ng sorry dahil first time niya itong ginawa sa buong buhay niya!
At si Lily ay nagulat naman ng biglang humingi ng tawad si Christopher. Hindi siya kaagad nakasagot at tila napako naman sa kanyang kinatatayuan.
"Look, I'm just- Mainit lang ang ulo ko kanina. At ayaw ko talaga na nasisinagan ng araw lalo na kung sa pamamahay ko. Nakasarado talaga lahat ng bintana." Paliwanag ni Christopher." But don't worry. I will let you sleep sa kwarto. Ako na ang matutulog sa sala." Offer nito.
Nabigla si Lily sa pagbabago nito ng ugali. Ngayon ay napakabait naman nito!
"Ah, Hindi na kailangan mas kailangan mo ang kwarto. Natakot lang talaga ako," pag-amin ni Lily.
Likas na talaga sa kanya ang pagsasabi ng totoo.
"I'm sorry again, Lily." Paumanhin ni Christopher.
At hindi sanay si Lily na may humihingi ng tawad sa kanya!
Kahit si David na nagtaksil sa kanya ay hindi humingi ng kapatawaran.
Baka na sobrahan lang siya sa pag over think. Si Christopher lang ang taong humingi ng tawad sa kanya at sa nakikita niya ay seryoso naman ito sa kanyang sinasabi.
"Sorry din at naunahan ako ng takot," nakayukong sabi ni Lily.
Napailing nalang si Christopher.
"Let's eat dinner. May dala akong food." Alok ni Christopher.
Napatingin naman si Lily sa box kung saan nakalagay ang pagkain na sinasabi nito.
Galing sa Christophe Five Star Hotels and Restaurants!
Kung saan siya nag OJT!
Mamahalin ang mga pagkain dito at ito ang hapunan nila!
"Ang mahal ng hapunan natin," sabi ni Lily at itinulak na papasok ang wheelchair ni Christopher.
Bigla siyang nagutom dahil amoy na amoy niya ang mabangong steak na dala nito.
Napataas naman ng kilay si Christopher at naging curious sa sinabi ni Lily.
"Ows! Do you know where did I buy these foods?" Tanong ni Christopher.
"Yes, Sa Christophe Five Star Hotels and Restaurants ako nagtratrabaho pala ngayon. Pero hindi pa ako regular, nag OJT palang. At ang mamahal ng mga pagkain doon dahil ito ang pinakasikat na five star hotel. Not just in here but for the whole world na ata!" Excited na sagot ni Lily at napahaba ang paliwanag niya.
Basta ang hotel ang pag-uusapan ay mabilis siyang nagiging excited!
Si Christopher naman ay mas lalong nagka interest kay Lily!
"Interesting and what a coincidence!" Bulalas ni Christopher. "May kakilala Ako na doon nagtratrabaho. Libre lang ang lahat ng mga ito." Masayang sabi ni Christopher.
"Wow naman! Ang galing mo talaga dahil ang dami mong mga bigating kakilala!" Hindi mapigilan ni Lily ang mapahanga sa asawa.
Si Christopher ay tuwang-tuwa naman dahil medyo kampante na ang loob ni Lily sa kanya at hindi na ito masyadong natatakot.
"Hindi naman, Sinuwerte lang sa buhay hehe. Ihain muna ang lahat ng ito sa lamesa at ng makakain na tayo." Utos ni Christopher at iniabot sa kanya ang tatlong box ng mga pagkain.
Masayang tinanggap ito ni Lily at mabilis na inilagay sa lamesa.
Tama nga ang hinala niya na may steak! Mukhang masarap at naglalaway na siya.
Mas lalo siyang nalula pagbukas sa isang box ng makita ang mga sushi! Isa rin ito sa mga paborito niya.
Sobra rin siyang natakam ng buksan ang ikatlong box ma puro seafoods meal pala!
"Let's eat!" Masayang tawag ni Lily kay Christopher.
"Are you that happy?" Tanong ni Christopher.
Tumango naman si Lily. Sobrang saya talaga niya dahil ang lahat ng nasa lamesa ay paborito niya!
"Yes, This is my first time to eat these foods from Christophe kaya I will treasure this moment. Thank you, Christopher." Taos sa puso na pasasalamat ni Lily at napangiti ng pagkatamis.
Nawala ang ngiti sa labi ni Christopher ng masilayan ang genuine na tuwa at saya sa mukha ni Lily.
Hindi niya alam kung bakit parang tumigil ang oras at nag slow motion ang lahat ng nasa paligid niya.
Wala siyang iba na nakikita kundi si Lily lang! At ang ganda nito para sa kanya!"
"Don't bother, I'm glad that you love the foods." Nakangiting sagot ni Christopher ng makabawi sa kanyang pagkatulala.
"Can we eat now?" Masayang tanong ni Lily.
"Of course! Enjoy your meal, my wife." Nakangiting sagot ni Christopher.
Pinamulahan naman ng mukha si Lily sa sinabi ni Christopher. Hindi niya alam kung bakit biglang may nag galawan sa kanyang tiyan at pinagpapawisan siya kahit hindi naman mainit!
Kumain nalang siya ng kumain at ninamnam ang masarap nilang hapunan.
Tsaka na muna sasabihin ni Christopher ang tungkol sa contract agreement kay Lily pagkatapos kumain.
Baka mawalan ito ng gana at matakot na naman sa kanya!
Maraming mga orange juice at mango juice in can sa ref ni Christopher. These are all his favorites. Kaya naman busog na busog silang dalawa.
Pakiramdam ni Lily ay tumaba siya ng isang araw!
Wala siyang sinayang sa pagkain at inubos itong lahat. Minsan lang siya makakain ng mga ito. Kaya susulitin na niya!
"Grabe, nabusog ako ng husto!" Nakatawang sabi ni Lily.
"I'm glad, Lily-" pabitin na tawag ni Christopher sa kanya.
Napawi ang ngiti ni Lily at bigla na naman siyang nakaramdam ng takot!
"Bakit?" Kinakabahan niyang tanong.
"Can we talk something serious?" Seryosong tanong ni Christopher.
"Tungkol saan?" Ganting tanong ni Lily na kinakabahan parin.
"It's about this contract agreement. I don't know if you will agree to this." Inilabas ni Christopher ang envelope na itinago niya sa likod ng kanyang wheelchair.
Iniabot niya kay Lily na nanginginig ang mga kamay habang tinatanggap ang envelope.
Dahan-dahan niyang binuksan at binasa.
Pabor sa kanya ang annulment. Pero ang isang kondisyon ay hindi! At muntik na siyang mahulog sa kinauupuan.
Gusto ni Christopher na bigyan niya ito ng heir o tagapagmana!
Paano niya gagawin yon? Ni paghalik nga sa pisngi ni David ay sobrang hirap na para kay Lily. How much more kung s*x na talaga!
"Bakit?" Hindi maiwasan ni Lily ang magtanong.
Mas mabuti ng ganito kaysa matakot na naman siya.
Pero nakakatakot talaga ang offer ni Christopher!
Kailangan niyang pag-isipan ito ng mabuti dahil buhay niya ang nakasalalay dito.
Pero wala rin magbabago sa buhay niya kung hindi sila magpapa annul ng kasal dahil wala naman silang gusto sa isa't-isa.
Mahal parin ni Lily si David at pilit na kinakalimutan. Habang si Christopher ay hindi niya alam ang dahilan kung bakit ito nagpakasal sa kanya.
Pero habang nakatingin sa contract ay parang alam niya na!
"I just want an heir Lily. That's all! I mean- Just look at me? Mayroon bang babae na magkakagusto sa akin? Lahat ay takot akong lapitan and that includes you," mahina lang ang pagkakasabi ni Christopher sa last word pero narinig ito ni Lily!
At medyo na guilty siya dahil isa siya sa natakot kay Christopher. Sino ba naman ang hindi?
Napabuntunghininga si Lily. Kailangan niyang mag mature at harapin si Christopher. Andiyan na yan at asawa na niya ito. Legal pa ang kanilang kasal!
"Pwede ba na pag-isipan ko muna? Mahirap mag desisyon at hindi basta-basta lang ang magkaroon ng anak. At hindi ko makakaya na iwanan ang anak ko." Madamdaming sagot ni Lily.
Anak niya yon! Tapos iiwan lang niya kapalit ng kalayaan! Hindi niya magagawa ito kahit anong isip niya.
"You have a good heart," mahinang sabi ni Christopher.
"Thank you," nahihiyang sagot ni Lily.
"What if- pwede mong hiramin ang magiging anak natin? Three days a week at syempre hindi mo naman iiwan kaagad si baby until mag 2 years old siya. She needs a mother." Muling offer ni Christopher.
Okay naman ito kay Lily pero nahihirapan parin siya na mag desisyon!
"Pwede bang magtrabaho muna ako sa hotel at huwag tumigil?" Tanong ni Lily.
"Do you agree?" Masayang tanong ni Christopher.
"Not yet, Pero pangarap ko makapagtrabaho sa Christophe. At ayaw ko pa muna manganak. At-" hindi maituloy ni Lily ang sasabihin.
"What?" Curious na tanong ni Christopher.
"At inosente pa ako sa mga ganyang bagay. Kaka break lang din namin ng bf ko. Sa totoo lang ay broken-hearted pa ako ngayon at pinipilit na maka recover." Sagot ni Lily.
"I'm sorry kung nag break kayo ng boyfriend mo ng dahil sa akin." Paumanhin ni Christopher.
"It's not your fault." Sagot naman ni Lily.
Nagtaka si Christopher. "Not me? Then why the two of you broke up?" Nakakunot noong tanong nito.
"He cheated on me," pabulong na sagot ni Lily.
Masakit parin pala!
At gusto niyang maiyak pero pinigilan niya.
"I understand now and I'm sorry to hear that. I will give you one week to think about the contract. Hopefully that will be enough for you to think?" Tanong ni Christopher.
"Yes, thank you." Nakangiting sabi ni Lily.
At si Christopher naman ay muling naging lutang ng masilayan ang inosenteng ngiti ni Lily.
This is bad! Hiyaw ni Christopher sa kanyang isipan.
"Let's sleep, Are you sure na okay ka lang dito sa sala matulog? Pwede naman sa kwarto dahil malaki ang kama." Ewan ni Christopher kung bakit ito ang naisipan niyang itanong!
Napatingin siya kay Lily at pinamulahan na naman ito ng mukha.
"Okay lang talaga ako rito." Paniguradong sagot ni Lily.
"Then, we should sleep. Goodnight," matapos sabihin ito ay mabilis na pinaandar ni Christopher ang kanyang wheelchair.
He felt awkward!
Habang si Lily ay naiwan sa sala na hindi maiwasan ang mapangiti.