Chapter 25 Naging memorable ang date nilang dalawa at nakatulog na kapwa may ngiti sa mga labi. Alam naman ni Lily na gusto niya si Christopher. Pero ang puso niya ay natatakot parin sumugal! Okay na siya na ganito sila ni Christopher. May kissing scene na nga pero wala paring relasyon! Ano ba nangyayari sayo Lily?! Tanong ng babaeng kamukha ni Lily. Nanlaki ang kanyang mga mata at nagulat siya. Dahil nabigla ay tumakbo si Lily at hindi niya namalayan ang butas na patibong na naghihintay sa kanya. Ahhhhhhh!!! Sigaw ni Lily at biglang nagmulat ng kanyang mga mata. Panaginip lang pala! Grabe ang pawis niya dahil akala niya ay mamamatay na siya! Ng mahimasmasan na ay tsaka palang niya narinig ang sunod-sunod na pag doorbell. Hindi bumangon si Christopher. That means ay tulog p

