Chapter 20 Nagulat si Lily pagka baba nila ng kotse. Ang liwanag ng buong garden! Ang dating patay at walang buhay na garden ngayon ay punong-puno ng mga bulaklak! Pulang mga Rosas at bulaklak na Lily na may iba't-ibang mga kulay! Ang mga damo ay napalitan ng halimuyak ng mga bulaklak. May mga lights din sa buong paligid. "Ano'ng meron?" Nagtatakang tanong ni Lily. Nagulat talaga siya pagbukas ni Christopher ng gate! "It's a celebration for the two of us," nakangiting sagot ni Christopher. Naka red carpet pa papunta sa garden! Labis na na overwhelm si Lily sa ginawa ni Christopher. Ang ganda na ng kanilang garden! In just one day ay naging ganito na kaganda ang labas ng bahay nila. Talagang iba ang nagagawa ng pera. Ang imposible ay pwedeng maging posible! "Bakit? Ay Oo ng

