Chapter 12 Kahit may pangamba sa puso ni Lily ay patuloy parin siya sa kanyang pagtratrabaho. Nais niyang magsumikap upang makapiling ang kanyang ina. Si Christopher ay suportado naman ang bawat desisyon ni Lily at naghihintay lang din ito kung kailan siya magiging handa na pag-usapan ang kontrata. Habang si Lucy ay patuloy na naghihirap sa mga kamay ni Carina. Wala paring mga katulong at siya lang mag-isa ang tagaluto at tagalinis ng buong mansion. Nakakahinga lang ng maluwag si Lucy kapag siya lang mag-isa at wala ang mga tao roon. Lalo na kung wala si Carina. Tulad ngayong araw na siya lang mag-isa ay walang stress sa kanyang gawaing bahay dahil walang nagdidikta at nagpapahirap sa kanya. Habang siya ay naglilinis ay sunod-sunod na doorbell sa gate ang kanyang narinig. Nagtata

