Chapter 14 Pagkagaling nila sa Tagaytay ay dumeretso sila sa mansion ng mga Magdilang. Hindi parin masaya si Lily ng makita ang ina. Mas lalo itong pumayat at tila may iniisip at tuliro! Kapag tinatanong naman niya ay okay lang naman daw ito. Pero hindi kumbinsido si Lily! May problema ang kanyang Mama at dama niya ito. Pero wala siyang magawa at hindi niya alam kung ano ang problema ng Mama niya dahil ayaw magsabi nito. Nasabi niya na ito kay Christopher at meron na daw nakabantay sa Mama niya 24/7 at nag re-report ito sa kanya. Napanatag naman ang kalooban ni Lily pero may konting pagkabalisa parin. Busy ang buong hotel dahil sa gaganapin na annual party nito bukas. Imbitado ang lahat ng empleyado dahil parte sila ng hotel at gusto ng management. At medyo na divert ang isipan

