MAX'S POV
Heto kami ngayon ni Dexter sa McDo kasi nagpromise siya na bibilhan niya ako ng french fries. Ako eto nakaupo lang habang hinihintay siyang mag order.
"Hi," Nagulat ako nang may lalakeng nagsalita sa likod ko. Nilingon ko naman ito. OMG! Ang gwapo.
"Hello po," Sabi ko sabay ngiti ng sobrang tamis.
"Mind if I join you?" Tanong ni koyah.
"Ayyy. Sure," Sagot ko agad. Magpapaka choosy pa ba ako? Charot.
Umupo naman si koyah sa tapat ko. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa'kin.
"Uhh, ako nga pala si Max Alexandrae Trinidad, proud member of l***q community. Max nalang," Pagpapakilala ko.
"Race Parcival. Race at your service," Pagpapakilala naman ni koyah sabay lahad ng kamay niya. Tinanggap ko naman iyon at nakipagkamayan.
"So, bakla ka?" Tanong niya.
"Oh yes. Proud to be gay," Proud na sabi ko.
"Woah. Kakaiba ka ah," Namamanghang sabi niya.
"Huh? Anong kakaiba?" Nagtatakang tanong ko.
"Ikaw lang ang nakilala kong bakla na hindi nagcro-cross dress at hindi nagme make up," Sagot naman niya.
"Ahhh. Hindi ko naman kasi hilig mag cross dress eh. Pero pag may okasyon nagcro-cross dress ako at nagme make up. But on ordinary days like this, hindi ako nag gaganun," Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Tumango tango nalang siya at hindi na nagsalita pa. Ang awkward nga eh.
"May kasama ka?" Tanong ko.
"Actually, I'm alone. Napadaan lang ako dito kasi galing ako ng Auradon Academy," Sagot niya.
"Really? So anong course mo?" Tanong ko ulit.
"Ahh. Education ako eh," Sagot naman niya.
"Anong-" Naputol ang sasabihin ko nang may kumalabit sa balikat ko. Si Dexter pala.
"Kanina ka pa diyan?" Gulat na tanong ko.
"Oo. Kanina pa," Sarkastikong sagot ni Dexter sabay bigay sa'kin ng french fries na binili niya.
"Ahh. Oh sige Max alis na ako," Pagpapaalam ni Race. Tumango nalang ako.
Umupo naman si Dexter sa harapan ko kung saan umupo si Race kanina.
"Isusumbong kita kay Tita Sandra," Sabi niya.
"At bakit?" Mataray na tanong ko sabay kain ng french fries.
"Nakikipag usap ka sa mga taong di mo kilala," Sagot naman niya.
"Aba kilala ko siya. Nagpakilala siya kanina," Sabi ko.
"Namimilosopo ka pa," Naiinis na sabi niya.
"Teka nga, bakit ka ba naiinis diyan? Dahil ba kanina ka pa nakatayo?" Nagtitimping tanong ko.
"Hindi. Naiinis ako kasi pano kung may nangyaring masama sa'yo? Ako pa yung pagagalitan ni tita Sandra. Nangako akong babantayan kita," Galit na sagot niya.
"May masama bang nangyari sa'kin? Wala naman diba? Tsaka di na ako bata na para bantayan mo," Nagalit na din ako. Pagkatapos kong sabihin yun, lumabas na ako wala akong pakialam kung maraming tao ang nakatingin sa amin. Bahala siya dun. Kainis.
Sumakay na ako sa kotse ni Dexter at doon na inubos ang french fries ko. I need my comfort food. Masyado nang madami ang nangyari ngayong araw.
Nakita ko naman si Dexter na lumabas na din ng McDo na may bitbit na plastik. Sumakay na din siya.
"Ayan," Sabi niya sabay bigay sa'kin ng plastik na dala niya.
"Ano naman 'to?" Naiinis na tanong ko.
"Yung favorite mong Chicken Ala King," Sagot naman niya.
Tiningnan ko yung laman at inamoy. Totoo nga. Napangiti naman ako.
"Oh ayan. Bati na tayo ah. Sorry na," Nakangiting sabi niya sabay paandar ng kotse niya.
Nang maihatid ako ni Dexter sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Wala eh. Pagod ako.
"Alex, anak. Nandito si Dexter," Rinig kong sabi ni mommy mula sa baba.
"Bakit daw mommy?" Tinatamad na tanong ko.
"Hindi ko alam," Sagot ni mommy.
Kainis naman. Nagpapahinga pa ako eh. Kaya heto kahit tinatamad, bumaba at pumuntang sala.
"Bakit ba? Nagpapahinga pa ako eh," Tinatamad na sabi ko sabay higa sa sofa.
"May nagbibigay nito sa'yo oh," Rinig kong sabi niya.
Tiningnan ko naman siya at may dalang box.
"Ano na naman ba yan?" Naiiritang tanong ko.
"Di ko alam. Nakita ko sa labas eh. Hindi mo ba napansin?" Sagot niya.
Tinanggap ko naman iyon. Mamaya ko na bubuksan to.
"Oh sige na. Makakaalis ka na," Pagtataboy ko sa kanya.
"Grabe ka naman. Dito lang muna ako," Sabi niya.
"Bahala ka diyan. Matutulog na ako," Sabi ko.
"Ang aga mo namang matulog. Alas sais palang ng gabi oh," Sabi niya sabay kuha ng remote at nanood ng tv.
"Wala kang pakialam. Pagod ako eh," Sabi ko.
Hindi na siya nagsalita pa. Ako naman, umakyat na sa kwarto dala ang box na binigay ni Dexter. Nang makapasok ako sa kwarto, binuksan ko yung box. Nagulat naman ako sa laman ng box. Isang stuffed toy na panda. May nakita din akong nakatiklop na papel parang sulat. Binuksan ko iyon at binasa. Nagulat naman ako sa nakasulat:
'KAMUSTA DRAE? MISS MO NA BA AKO?'
OMG! Iisa lang ang taong tumatawag sa'kin ng Drae. Hindi kaya nagbalik na siya? No way. This can't be real. Matagal na siyang wala.