JAMILLA Matagal kaming naglaro ng truth or dare ni Drake, kung saan-saan tuloy napunta ang usapan namin at kung ano-ano ang ginawa namin. Pinasayaw ko si Drake bilang task niya, pero ang pasaway na lalaking kasama ko ay parang agogo dancer na sumayaw sa harap ko. Malambot naman ang katawan niya, pero pinatigil ko na siya dahil hinubad pa niya ang suot na t-shirt at akmang huhubarin din ang kaniyang boxer. Ang landi niya, gumiling-giling pa sa harap ko na para bang inaakit ako, kaya binato ko siya ng nadampot kong unan. “Maliligo muna ako,” paalam ko kay Drake. “Sabay tayo,” mabilis niyang sagot, pero umiling ako. “Huwag na, gusto kong maligo ng mag-isa.” “Mas masarap maligo ng may kasama, Jam,” mabilis niyang sagot. “I'll scrub your back.” Inirapan ko siya, “Wala akong tiwala sa

