NANG magising si Liwayway kinaumagahan, mahimbing pang natutulog si Matteo sa kanyang tabi, ngunit tirik na ang araw sa labas ng bintana. Naririnig niya ang paghampas ng alon sa dagat ngunit hindi iyon tanaw mula roon dahil nasa kabilang parte ng bahay ang nakatanaw sa dalampasigan. Ang parte kung saan naroroon ang master’s bedroom. Nakakapagtaka na ipinagtabuyan siya ni Matteo kagabi sa master’s bedroom pero heto’t dito natulog sa guest room. Umupo siya sa kama at tiningnan ang asawa. Kahit tulog ito ay nakakatakot pa ring tingnan. He had such a strong aura that could be very intimidating. Gwapo nga, pero nakakatakot. Bumuntong-hininga si Liwayway at napahawak sa magkabila niyang panga at sa kanyang lalamunan. Hanggang ngayon kasi ay parang nangangalay pa rin ang mga iyon. Hind

