Rio’s POV Napawalang bisa ang kasong naipataw sa akin at tuluyan akong nakalaya mula sa pagkakakulong nang mahigit isang buwan. Ang buong pamilya ko at mga kasamahan sa trabaho ay labis na nagalak nang tuluyan na akong makalaya. Wala pang ni isa sa mga kasamahan ko ang nakakapagsabi sa akin kung paano nila nalaman na may mga druga at armas sa loob ng mansyon ng mga Pallis. Matagal ko nang alam ang mga iyon. Alam kong nakatago iyon sa basement nila dahil minsan ko ng nakita ang pagpasok nila sa mga druga at armas. Nagmasid ako noon ng gabi na walang sinoman ang nakakaalam. Pinilit kong itinago ang lahat dahil naghahanap pa ako ng tamang panahon upang ibunyag ang lahat ng ‘yon. At isa na rin sa dahilan ko si Nathalia, ayaw ko siyang madamay. Sa loob ng isang buwan sa kulungan ay isa la

